071

336 6 0
                                    

hi! I will use third person's POV for this chapter, hoho.

———

tw: mentioning of alcohol

Wala ng balita si Tristan kay Sia pagkatapos nang hindi nito pagpapakita sa café kung saan siya nag-ta-trabaho. Gustuhin n'ya mang kulitin nang kulitin si Sia, hindi n'ya magawa dahil ayaw n'yang lumayo ang loob ng dalaga sa kan'ya.

"Uy, amoy strawberry ka, ah!" pang-aasar ni Ceejay sa kaibigan.

"Luh, ngayon mo lang napansin? Ilang araw ka nang kasama n'yan, ganiyan palagi ang pabango, huy!" sabi ni Eon. Sinabayan n'ya lang ang pang-aasar ni Ceejay kay Tristan pero sa loob-loob n'ya ay nag-aalala siya para rito.

Sa loob ng ilang buwan, pati siya ay naaadik na rin sa amoy ng strawberry kaya bumili siya ng pabango na amoy ay strawberry. Pati yata flavor ng vape n'ya strawberry rin.

"Addicted sa scent ni Sia," pangsasakay ni April.

Natahimik ang lahat nang mabanggit ang pangalan ng dalaga. Tristan looked down on the floor, remembering how Sia smiles whenever she's entering the café. He misses her so much.

"Ra—"

"Tara, bar." putol ni Tristan sa sasabihin sana ni Eon.

Tumingin sa kan'ya ang lahat, nagtataka sa inaasta. Wala naman siyang trabaho at pasok kinaumagahan. Gusto n'ya lang uminom ng alak para makalimot kahit isang araw lang. Masakit. Pakiramdam n'ya, na-reject na lang siya.

"Tris . . ." nag-aalalang tawag ni April.

Tristan smiled defeatedly. "What? Ngayon lang 'to! Kargo ko na lahat!" sabi n'ya.

Eon shook his head. "Raf, no. Hindi pu—"

"Iinom tayo, Tris! Kahit magdamag, okay?" Sabi ni Ceejay. Naiiyak siya sa itsura ng kaibigan.

"Samahan ka namin ni Ceejay, Tris. Kahit saan, kahit umagahin pa tayo, g ako!" sabi naman ni Acell.

Nang ma-settle na nila ang lahat ay nagpaalam na si Tristan sa kan'yang magulang at saka sila pumunta sa bar.

"Sa LIT tayo, 'di ba?" tanong ni Eon.

Tahimik na tumango si Tristan, bahala na si batman ngayong gabi. May natira naman siyang pera na itinabi n'ya noon bago mawala si Trisha.

Sa kabilang banda, nag-aya naman si Sia na mag-bar din pagkatapos ng klase n'ya. Chinat n'ya ang tatlong kaibigan at inayang mag-bar dahil patapos na siya sa pag-aaral.

"I'm drained, super drained." sabi n'ya nang tanungin siya ni KC kung bakit sila iinom.

Alam nilang tatlo na hindi pala-inom si Sia, ngayon lang siya iinom dahil na rin sa mga nangyari sa buong linggo n'ya.

"Hindi siya drained, nasasaktan siya kaya iinom siya." bulong ni Sharik sa sarili habang nakatingin sa kaibigan.

"And, you think drinking alcohol is the best way?" KC asked. Sia shrugged. As if she has any choice.

"Okay, then. Let the party begin."

strawberry drink and cigarettes | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon