"Siraulo talaga 'tong si Eon, ayaw maki-sabay kahit nasa iisang restaurant lang naman." Nagrereklamo ako kay Ceejay dahil naiinis pa rin ako kay Eon. Tumawa siya pati si Acell.
"Bwisit na biwsit, ah? Ayaw mo ba n'on, makikita mo kung paano siya lumandi." Sabi ni Acell.
Tumingin ako sa table nila Eon at nakita na may tatlong babae na lumapit kay April, I guess her best friends?
"Uy, gago, si library girl!" Tuwang-tuwang sabi ni Ceejay. Tumayo pa siya at lumapit sa kanila.
"Ay, tanga." Sabi ko.
Ceejay ruined the plan. Ang plano ay hindi kami magpapakita, kunwari ay hindi kami rito kakain kahit inaya n'ya kami. Acell and I pretended that we are busy talking to each other when Eon and Ceejay looked at us. On my peripheral vision, I saw April hugged her best friends before looking at us, too.
"Yosi?" Tanong ni Acell.
Tumango ako, kinuha n'ya 'yung isang pack ng yosi sa bulsa n'ya at binigay sa 'kin. I've been using cigarettes since my younger sister went missing. Hindi ko alam kung nasaan siya. Patuloy pa rin namin siyang hinahanap pati grandparents namin sinasamahan kami sa paghahanap.
"Yosi muna ako." Paalam ko kay Acell. Tumango lang siya kaya lumabas na ako.
I sighed and leaned on the wall. Sinindihan ko ang yosi na nasa bunganga ko at tumingin sa kalangitan. I exhaled the smoke of the cigarette, and closed my eyes.
"Trisha, kung nasaan ka man, I hope you're doing okay." I whispered.
Inubos ko lang ang yosi ko bago ako bumalik sa lamesa namin. Ceejay handed me a perfume making me laugh. Ayaw na ayaw talaga 'yung amoy ng yosi.
"You alright?" Acell asked. Magsisinungaling lang ako ako kapag sinabi kong oo.
I smiled and nodded. I am okay, and I will be okay.
BINABASA MO ANG
strawberry drink and cigarettes | ✓
Romancesia, who never liked someone because of the trauma she's bearing met this annoying barista in her new favorite café. *** daninininino, 2022