103

342 8 0
                                    

"Sia, magtigil ka nga kakalakad!" Saway ni Mama sa akin.

Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad dahil hindi ako mapakali. Nakita ko ang gulat sa mata ni Tristan at April no'ng nakita nila ako. Aaminin ko, natakot ako kaya mabilis kong nilayo si Blue roon.

"Sia, isa." Banta ni Mama, ngunit hindi pa rin ako tumigil hanggang sa hawakan n'ya na ang magkabilang balikat ko nang mariin.

"How can I calm down when Blue already saw Tristan, Ma?! How can I?!" Naiiyak kong tanong sa kan'ya.

Dahan-dahan n'yang nabitawan ang balikat ko at umatras. Bumuntonghininga siya at tumingin sa apo na nakikipaglaro kay Papa.

"Bakit ka nag-aalala, Sia? It's time. Hindi mo puwedeng itago si Blue habang buhay." Atasha said seriously.

"Hindi mada-"

"Sa tingin mo, naging madali ba kay Tristan noong mga araw na wala ka rito? Think about him, too. Huwag kang selfish." Putol naman ni Leonard sa sasabihin ko.

Natameme ako dahil sa kaseryosohan nila. Tama sila, dapat hindi ako maging selfish. I need to let Blue meet her Dad, and let Tris meet his daughter.

"Ayusin mo muna ang lahat, bago mo ipakilala si Blue." Payo ni Papa.

Tumango ako at kinuha ang cellphone sa may lamesa. Kinagat ko ang ibabang labi ko at binuksan ang messenger app.

Tristan Mabanta
Active now

Today, 6:54 PM

Anastasia:

Hello, Tris. Can we talk? I will explain everything to you. Deserve mong malaman lahat.

Tristan:

sure. after dinner.

Anastasia:

Okay. ^^

strawberry drink and cigarettes | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon