"Mabuti naman at umuwi ka."
Pabagsak kong binaba ang bag ko na may lamang mga damit ko at humarap kay Leonard na kapatid ko kay Daddy.
"Mabuti naman at ginamit mo 'yang isip mo na umuwi rito dahil mamamatay na kakaisip sa 'yo ang tatay ko." Naiinis na sabi ko. Imagine, pagod ako sa school, wala pa akong tulog. Pagod din ako sa pag-da-drive 'tapos ito ang bubungad sa akin.
Gusto kong sumabog, pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka mahampas ko siya ng mga libro ko na nasa bag ko.
"Anastasia!" Sigaw ni Atasha sa likod ko. Pareho kaming lumingon sa kan'ya at nakitang hawak n'ya 'yung aso na bigay sa akin ng ex n'ya.
"Ilayo mo 'yan sa akin." Banta ko. She laughed and put the dog down. She went to me and put her arm on my shoulder.
"Ang tapang naman ni Leonard! Akala mo hin-"
"Atasha." Putol ko sa sasabihin n'ya.
She closed her mouth and nodded. Iniwan ko silang pareho roon sa sala at pumunta sa kuwarto ko. Pagkabukas ko ng pinto ay inilibot ko ang tingin sa buong paligid. I smiled sadly when I saw how clean it is. Kahit wala ako, paniguradong nililinis 'to palagi ni Lola.
"Apo, narito ka na pala." Huminto ako sa pag-a-ayos ng laptop ko sa study table ko nang marinig ko ang boses ni Lola.
I smiled and went to her. I hugged her tightly. I heard her sighed in relief before caressing my back.
"Halika na, kakain na." She said softly.
I nodded. Sabay kaming bumaba at pumasok sa dining kung nasaan si Daddy, Mommy, Atasha, at Leonard.
"Hindi mo man lang ba kami babatiin?" Tanong ni Mommy.
I arched a brow. "Hindi naman kayo ang inuwi ko rito," sagot ko. Umupo ako sa tapat ni Leonard na nakatingin sa akin.
"Anas-"
"Shut the fuck up, Leonard. Huwag mo akong matawag-tawag na Anastasia dahil mas matanda ako sa 'yo." Putol ko sa sasabihin n'ya. "Pabida ka rin e, 'no? Palibhasa anak sa labas."
I saw how his eyes filled with anger and how he balled his fist. I pursed my lips, watching him.
"Oh, affected." I chuckled and shooked my head.
"Sia, mal-"
"Mas mali naman na rito tumira ang anak mo sa labas, Dad. Si Atasha, tanggap ko pa 'yan kasi anak naman 'yan ni Mommy na galing sa mabait na tatay, e 'yang si Leonard?" I laughed mockingly. "Halos ang tapang ng nanay, e siya naman 'tong nanira ng pamilya."
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay padabog akong tumayo at bumalik na sa kuwarto ko. Nawalan na naman ako ng gana. Putangina.
BINABASA MO ANG
strawberry drink and cigarettes | ✓
Storie d'amoresia, who never liked someone because of the trauma she's bearing met this annoying barista in her new favorite café. *** daninininino, 2022