Dala ang laptop at iba pang libro ay tahimik siyang pumasok sa café. Agad akong umiwas ng tingin nang pumasok siya.
"Acell, ikaw na lang pumunta." Bulong ko.
Dahan-dahan siyang tumango kaya ngumiti ako. Lumapit na roon si Acell at agad kong nakita ang nagtataka n'yang tingin. Titingin pa sana siya sa 'kin nang harangan ni Acell ang paningin n'ya gamit ang katawan.
"Oh, ba't hindi ikaw ang kumuha ng order n'ya?" Tanong ni Miss Yvanilla.
Tumawa ako at umiling. "Hayaan mo na lang si Acell, Ma'am." Simpleng sagot ko.
Napailing siya kaya natawa ako. Humarap na lang ako sa coffee maker at inabala ang sarili roon. Hindi ko nga rin alam bakit ko siya iniiwasan. E, crush lang naman. Happy crush dapat, e!
"Rafael! Usual order!" Malakas na sabi ni Acell.
Ay, gago. Ang gago lang.
Inis ko siyang tinignan kaya natawa siya nang malakas. Wala akong nagawa kun' 'di gawin ang utos n'ya. I prepared her order cleanly.
"Ayan," I said to Acell.
He gave me a teasing smile before getting the tray and went to Sia to give her order. Pagkabalik n'ya ay hindi n'ya ako kinausap. Natawa ako at agad na natahimik nang makitang may pumasok na isang babae at isang lalaki. Naglalandian pa.
"Oh-oh, ang ex na cheater." Bulong ni Acell.
Dumiretsyo silang pareho sa counter kaya ako ang humarap. I looked at them coldly when they looked at me, both shocked.
"T-Tris." Tawag ni Lea.
"What's your order, Ma'am?" Madiing tanong ko, hindi nakatingin sa kanila.
I saw how she gulped on my peripheral vision, making me smirk by myself. For the months after our breakup, I still have the effect on her. Hindi pa rin nakaka-move on? Ilang buwan na 'yon, galit pa rin ako. Hindi mawawala ang galit ko sa kanila. Pareho nila akong ginago. Hindi nila deserve mapatawad.
"Ma'am, I am waiting for your order, not your stare." I saw how Sia turned her head to us, getting curious about what was happening. Rude na kung rude, naiinis ako.
Acell is on my side, trying to stop himself from laughing. Miss Yvanilla is already getting curious, too. Ang tagal, pucha.
"Tris, ako na." Bulong ni Acell kaya tumango ako. Baka hindi ako makapigil may masaktan pa ako rito.
Umalis ako sa counter at lumapit sa may kitchen. Sia looked at me with curiousity on her eyes. Iniwasan ko ang tingin n'ya nang magtama ang paningin namin. Ayaw ko siyang titigan. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa nakita ko kagabi, dumagdag pa na nakita ko ngayon ex ko.
"Tris, can we talk?" Lea asked when they were already leaving.
"No." Matigas kong sabi. Ngumiti siya nang malungkot, kaya natawa ako. "Stop acting like you are hurting again, Lea. Ako ang ginago mo."
"Tris . . ." She uttured.
"If you are thinking na kaya na kitang kausapin dahil mabilis akong magpatawad magmula noon, nagkakamali ka. I already changed." I said those words while looking outside the cafeteria. "I can't even look at you anymore, it's making me sick."
BINABASA MO ANG
strawberry drink and cigarettes | ✓
Romansasia, who never liked someone because of the trauma she's bearing met this annoying barista in her new favorite café. *** daninininino, 2022