"Hija, are you ok—"
"Tita, help. I think I'm going to give birth already." Mabilis kong putol sa sasabihin sana ng kapitbahay namin na si Tita Matilda.
Siya ang naging ka-chikahan ko kapag wala akong ginagawa. Palagi n'ya akong pinupuntahan dito sa bahay at pinagluluto. Tinuring na nga n'ya rin akong anak, e.
"Oh, my goodness. I'll call Randy." She said, slightly panicking, too.
Ano ba naman 'tong anak ko, hindi man lang nagbigay ng babala na lalabas na siya.
Nang isakay nila ako sa sasakyan ay pareho nila ako tinutulungan kumalma. Sunod-sunod ang paghinga ko dahil sa sakit na nararamdaman.
"Kaya mo pa ba, Sia?" Nag-aalalang tanong ni Tito Randy. Pumikit ako nang mariin dahil mas lalong sumakit ang tiyan ko.
"Tito, pakibilis. Gusto na yatang lumabas." Sagot ko. Humigpit din ang hawak ko kay Tita Matilda dahil parang hindi ko na kaya 'yung sakit.
Nang makarating kami sa hospital ay mabilis nila akong inasikaso. Nagpaalam naman nang uuwi sila Tita Matilda dahil uuwi raw 'yung anak nila. Kahit gustuhin man akong samahan nila Tita ay hindi rin nila magawa dahil 'yung anak nila ay uuwi sa kanila kaya mag-isa ako. Lagi naman, e.
"Push." Utos ng doctor na nagpapaanak sa 'kin.
Ginawa ko lahat ng inutos nila sa 'kin. Umire ako hanggang sa aking makakaya. Napaluha na lang ako sa hirap at dahil na rin sa mag-isa ako ngayon.
"Last push, Miss Sia." Sabi sa 'kin ulit.
I gathered all my strength and pushed. The moment I heard my baby's cry, I also cried. Hiniga nila sa dibdib ko ang bata na umiiyak din gaya ko.
"Si Tris . . . Kailangan ko si Tris." Bulong ko habang nakatitig sa bata.
When I was struggling before as a pregnant woman, I thought of aborting my baby, but I thought about Tristan, too. That'll be unfair for him. Masasaktan ko lang siya kapag ginawa ko 'yon. Hindi ko lang naman 'to anak, anak n'ya rin 'to. Ang selfish ko sa part na hindi ko na nga pinaalam na may anak kami, ipapa-abort ko pa.
Kinuha sa 'kin ang anak ko at nilinisan. Tinitigan ko lang ang bata hanggang sa sunod-sunod nang nagtuluan ang mga luha ko sa mata.
"Ma'am, where's the father of your daughter? Or any relatives you have with you?" Tanong ng nurse.
Ngumiti ako ng maliit. "Si Tristan, nasaan si Tris?" Hagulgol ako ngunit naalala ko, ako ang lumayo. Deserve ko 'to. Deserve ko mapagisa.
"Tristan is your daughter's father, Ma'am?" Tanong ng nurse, tumango ako. "Okay, Ma'am, we will conta—"
Kahit nanghihina ay pinigilan ko siya. "No, Miss. Don't contact him . . . please." Pakiusap ako.
Dahan-dahan siyang tumango kaya ngumiti ako. Sinulyapan ko ang anak kong nililinisan pa rin nila hanggang sa nilamon na ng dilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
strawberry drink and cigarettes | ✓
Romancesia, who never liked someone because of the trauma she's bearing met this annoying barista in her new favorite café. *** daninininino, 2022