107

361 9 0
                                    

Tahimik kaming nakaupo sa dalampasigan, nakaharap sa madilim na karagatan. Hampas ng alon, ingay ng mga tao, at ang malakas na hangin lang ang tanging naririnig namin. Wala ng iba.

"Magtanong ka na," she said using her soft voice. I gulped and slowly turned my attention to her. She was holding a bottle of wine. Tears pooling on the side of her eyes.

"K-Kumusta ka?" Tanong ko, nanginig kaunti ang boses ko kaya tumikhim ako.

She slowly looked at me, and my heart clenched when I saw her eyes were sad. "N-Nabasa mo 'yung chats ko, 'di ba?" Tumango ako. "Hindi ako masaya, Tris."

"B-Bakit hindi ka masaya?" Tanong ko, paiyak na dahil sa mga mata n'ya at boses n'yang nasasaktan. "S-Sia, bakit?"

"K-Kasi wala ka, e." Diretsyong sagot n'ya na nagpatigil sa akin. "Totoo 'yung sinabi ko na nahulog ako sa 'yo habang nasa LA. Malungkot 'yung buhay ko."

"Hindi ba, dapat masaya ka kasi mayroon si Blue?" Tanong ko.

She chuckled a little, pain is visible on her voice and face. "Masaya naman ako, e. Hindi ko lang masabing kumpleto ako, kasi wala ka roon. Saka, may ninakaw ako sa 'yo, e."

My brows furrowed. "Anong ninakaw mo sa akin, Sia? Wala kang nin-"

"Ninakaw ko sa 'yo 'yung karapatan mong makasama kami ni Blue noong pinagbubuntis ko siya hanggang sa manganak ako, Tris," seryosong sagot n'ya.

Tumahimik kami at muling tumingin sa kawalan. I heard her opened the bottle of wine and drink straight from the bottle.

"Sia, akin na 'yan." Sabi ko at pilit na inaagaw 'yung bote.

Umiling siya. Nagulat ako nang bigla siyang umiyak. "T-Tris . . ." Nanginig ang baba n'ya habang patuloy na nilalayo ang bote. "Ang sakit. Sorry . . . Sorry kung tinago ko si Blue, nagsisisi na ako."

strawberry drink and cigarettes | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon