102

330 10 0
                                    

Nakaupo kami pareho ni April sa may buhangin, nakatingin sa magandang sunset. Hindi siya nagsalita, pero alam kong may alam siya. Alam kong mayroon siyang hindi niya sinasabi sa tropa.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ko.

Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Minessage ko si Sia, nagbabakasaling sasagot siya. Kasi noon, kahit naka-online siya, hindi n'ya sinasagot mga chats natin, 'di ba?" Tumango ako. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa alaala na 'yon. "Chinat ko siya, nag-reply naman."

Napatango ako. Sapat na 'yon. Pero, mas magiging sapat sa akin kung nandito siya at magpapakita na sa amin.

"Sobrang miss ko na siya, April." Sabi ko. Tumingin ako sa kan'ya at nakitang naluluha na siya.

"Ako rin," sabi n'ya.

Bumuntonghininga ako at binalik ang tingin sa kawalan. Kailan ba sasang-ayon sa akin ang tadhana? Wala na ba talaga akong magiging endgame? Tatanda na ba talaga akong mag-isa?

Tumayo ako at pinagpagan ang pants ko. I offered my hand at April and helped her to stand up.

"Tara na? Kakain na yata, tagal natin mag-stay rito." Tumawa kaming pareho.

Nagsimula na kaming maglakad pareho nang tahimik. Habang naglalakad ay may bumunggo sa likod ko kaya napatingin ako sa taong 'yon - ay mali, bata.

"Ow." I heard her say.

Napaupo siya kaya nag-squat ako at tinignan kung okay lang ba siya. She's checking her cute hands and pouting her cute little lips.

"Hala, namumula siya!" Sabi ni April.

Nag-angat ng tingin sa 'min ang bata at agad kong nakita ang mga pamilyar na mata. Umiling ako para alisin ang kung ano man ang nasa isip ko.

"Hi, Daddy!" She uttered.

Nagtataka ko siyang tinignan. Umiling ako at hindi pinansin ang sinabi n'ya. I looked at her and smiled.

"Hello, nasa'n ang Mommy mo?" I asked. Tumingin siya sa 'kin, a little confused. Ah, baka hindi siya nakaka-gets ng Tagalog! "Where's your Mom?"

Bago pa man siya makasagot at may pamilyar na boses akong narinig. "Blue!" Sigaw nito.

Pareho kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si Sia na nakasuot ng dress na puti. Hinahangin ang mahaba n'yang buhok habang tumatakbo palapit sa 'min.

"Mommy!" Sigaw naman ng bata at tumayo na para lapitan si Sia.

Sia squatted in front of the kid and checked her face. "Baby, are you alright? Where did you go? I told you to stay with Aunt Atasha, right?"

"Mom, I saw Daddy." Saad ng bata na nagpatigil sa pagsasalita ni Sia.

Tinuro ako n'ong bata kaya napatingin din sa akin si Sia. Fear and shocked filled her eyes making me frowned.

Anak ko ba 'yung bata?

strawberry drink and cigarettes | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon