056

373 11 4
                                    

Months passed and I can't still avoid myself from worrying about her. Araw-araw, iniisip ko kung kumusta siya, kung kumain na ba siya, kung natutulog ba siya nang maayos.

"How is she?" Tanong ko kay April nang minsan ay dumaan siya rito sa cafe.

"Still not responding to my messages. I tried to contact her in their house, but they said she's not there." Sagot n'ya.

"Can I get her address? I'm going to see her." Sabi ko. Nagtataka siyang tumingin sa akin at agad naman akong nanahimik. "I-che-check ko kung okay lang ba siya. Nag-aalala na rin ako gaya n'yo."

Despite of being sad, she tried to hide her smile. I feel like she know something that I don't know. Sabing happy crush lang, e! Bakit naman ganito na ako?

"Uy, gusto mo, 'no?" Tanong n'ya.

Dahan-dahan akong tumango. Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling. "Hindi! Fuck, hindi!" Depensa ko.

Ngunit huli na ang lahat, nakangiti na siya nang malapad pati si Acell. Patay, aasarin nila ako hanggang sa magsawa sila.

"Uy, gusto n'ya si Miss Li-"

Natigil kaming tatlo sa pag-iingay nang bumukas ang pintuan ng cafe at nakita si Sia na papasok. Umiiyak habang nakasuot ng hoodie, nakatakip din ang palad sa bibig.

"T-Tris." Para siyang batang naghahanap ng kakampi. She's looking at us.

Napatayo kaming tatlo at hinintay na lumapit siya. Nagulat ako nang tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Nagulat ako roon pero hinayaan ko lang siya.

"Please, stay . . . Just let me, please." She begged.

Hinayaan ko siyang yakapin ako. I looked at April and she looked back at me. Her eyes were sad and a hint of pity.

"She never cried, Raf. Ngayon lang." She mouthed.

She's drained. Kailangan n'ya ako ngayon. Hindi ko siya puwedeng iwan. Siguro, hindi na n'ya kayang kimkimin lahat kaya iniyak n'ya ngayon.

"Alis muna kami, p're." Paalam ni Acell. Tumango ako at nakitang pumasok sa counter si April at nagsuot pa ng apron.

"D-Don't l-leave me, please? Jebal? Jebal?" Paulit-ulit n'yang pakiusap.

Tumango ako at mas lalo siyang niyakap. May costumer kami ngayon pero wala naman siyang pakialam sa paligid n'ya.

"I need someone, Tris. Nal namgyodujimarayo."

"I am here, Sia. Kung pagod ka na, narito ako. Handang maging sandalan mo.

strawberry drink and cigarettes | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon