020

556 14 0
                                    

"Ang bilis ng araw, ang bilis din matapos nitong coffee shop." KC said while looking at the coffee shop in front of us.

Andito kami dahil um-attend kami ng opening n'ya. We've been waiting for this for so long kaya um-attend kami ng opening. Mayroon ng barista na kasama 'yung may-ari. Dadalawang lalaki lang sila kasama ang owner. 'Tapos ay may kasama 'yung may-ari sa gilid na babae, I guess best friend n'ya?

"Pangit." Bulong ko nang makita ko 'yung lalaking kaibigan ni Eon. 'Yung kasama ni Acell palagi, para na silang kambal dahil palagi silang magkadikit.

Tumingin sa akin si April at natawa. "Si Tristan? Pangit talaga 'yan." Sabi n'ya.

Tumingin ako sa kan'ya at tumaas ang kilay ko. "Kilala mo?" I asked.

Tumango siya at tumingin muli roon sa Tristan. "Oo, best friend ko 'yan, e. Best friend magmula bata." She answered.

I shrugged my shoulder and looked at him again. Hindi naman siya pangit, sadyang annoying lang ng awra. Bwisit na bwisit ako sa kan'ya noong nakita ko sila sa library.

"Bagay kayo."

Sharik laughed and agreed. Tumingin ako kay KC na pabalik-balik ang tingin sa akin at kay Tristan, pagkatapos ay tumango. Sumasang-ayon sa sinabi ni April.

Yak, kadiri.

strawberry drink and cigarettes | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon