It's been 3 years since the last time I saw Sia. Kung saan-saan kami nakarating para lang mahanap siya, kaso wala, e. Nalibot ko na ang buong Pinas, pero walang anino ni Sia. Sa loob ng apat na taong 'yon, nahanap ko rin si Trisha.
"Kuya, kung mahal ka n'on, magpapakita 'yon." She says as she rubbed my back.
"What if buntis siya kaya ka n'ya tinataguan?" Tanong naman ni Mama.
Kumunot ang noo ko at umiling. Sa mukha ni Sia, hindi n'ya naman yata kayang gawin 'yon. Bakit n'ya ipagkakait sa akin ang bata? Sabihin na nating hindi n'ya ako mahal, pero anak ko rin naman 'yon, 'no.
"Ma, hindi 'yon buntis. Baka tinuloy ang pag-aaral sa ibang bansa," 'buti pa 'tong si Papa, kakampi ko.
Trisha shrugged. "She's beautiful, huh? And, you're addicted to her scent. Pati favorite food n'ya, iyon din ang order mo." Umiling siya. "Adik."
"At least, nababawasan na ni Kuya ang paninigarilyo, 'di ba?" Sabi naman ni Mama.
Papa tapped my shoulder making me look at him. "'Nak, darating ang araw, babalik siya sa 'yo. Maghintay ka lang, okay?"
Tumango ako at muling tumitig sa kawalan. Gusto kong mapag-isa, kaso kapag mag-isa naman ako ay nalulungkot lang ako lalo. Maraming tanong sa isip ko na gusto kong masagot. Bakit siya umalis nang walang sabi? Bakit iniwan n'ya ang mga kaibigan n'ya rito? Paano kung buntis siya?
Hay, Sia.
BINABASA MO ANG
strawberry drink and cigarettes | ✓
Storie d'amoresia, who never liked someone because of the trauma she's bearing met this annoying barista in her new favorite café. *** daninininino, 2022