083

318 5 0
                                    

"Miss Yva, please, saluhin muna ako ni Acell." Pakikiusap ko. Ilang araw nang hindi nagpapakita si Sia sa 'min, pati mga barkada n'ya hindi na halos makapag-focus sa pag-aaral nila.

"Tris, ilang beses ka nang sinasalo ni Acell." Sabi n'ya, seryoso na siya ngayon.

Pinigilan kong lumuha sa sinabi n'ya. Alam ko naman 'yon, e. Ilang beses na akong sinalo ni Acell dahil sa paghahanap ko kay Sia.

"Miss, sige na, payagan n'yo na. Okay lang sa 'kin." Pangungumbinsi rin ni Acell.

Halos yakapin ko si Acell dahil sa sinabi n'ya. Tumingin ako kay Miss Yva at nakitang tumango siya.

"Last na 'to, Tris. Please lang, kung ayaw n'ya nang magpakita, hayaan mo na." Seryosong sabi n'ya.

Muntikan na akong tumalon dahil sa sinabi n'ya. I closed my eyes and took a deep breath. Inalis ko ang apron ko at binalik sa may kitchen bago ako tumakbo palabas ng cafe.

Pinuntahan ko halos lahat ng pupuwede n'yang puntahan, kaso wala. Wala siya . . .

"Tris, huli na 'to. Tang ina naman, tama na." Pakiusap sa akin ni Sharik. Kasama ko silang tatlo ngayon.

Umiling ako at hinayaan ang luhang tumulo mula sa mata ko. "Hindi, Sharik. Hindi puwedeng tumigil ako. Hindi ako susuko hangga't hindi ko nakikita si Sia."

Nakaupo kami ngayon sa may sahig, pagod sa nangyari sa amin. Pati condo n'ya tinignan na namin, kaso sabi ng may-ari wala na raw siya. Hindi na siya umuuwi roon, pati mga kapitbahay n'ya hindi siya nakikita. Narinig ko ang hikbi ni April sa tabi ko.

Nilagay n'ya ang pareho n'yang kamay sa balikat ko at marahas akong pinatingin sa kan'ya. "Tristan Rafael, makinig ka sa 'kin! Hindi aalis si Sia nang walang dahilan, okay?! Hindi natin alam kung kailan siya babalik kaya, putang ina, tama na!"

Hindi. Hindi ako titigil. Kailangan kong makita si Sia. Babalik 'yon. Hindi n'ya iiwan mga kaibigan n'ya rito.

"April . . . Hindi, kahit mapagod ako. Kahit ano'ng mangyari, wala akong pakialam kasi mahal ko 'yon, e. Hindi ko 'yon susukuan." Humihikbing saad ko habang nakatingin sa mga mata n'ya.

Mas lalong dumoble ang sakit na mayroon sa mata n'ya. "K-Kaibigan ko kayong pareho at nahihirapan ako sa kung ano man ang nangyayari sa inyo . . . Tama na, please."

Halos isang oras ako umiyak, inaalala si Sia. Kumusta siya? Kumakain ba 'yon? May nagaalaga ba sa kan'ya? May kasama ba siya? Natutulog ba 'yon sa tamang oras?

Gusto kong malaman 'yon. Kingina, hindi ako titigil. Kahit kalabanin ko ang pamilya ko. Wala akong pakialam.

"Si Atasha." Bulong ko. Dahil sa katahimikan ay narinig nila 'yon kaya tumingin sila sa 'kin.

"Ano'ng mayroon kay Atasha?" Tanong ni KC.

"Si Atasha, tanungin n'yo. Alam n'ya kung nasaan si Sia," mahinang sabi ko.

Nakita ko kung paano bumuntonghininga si April. Alam ko namang nakakapagod na ako intindihin. Pero si Sia 'yon, e. Gagawin ko ang lahat para sa kan'ya. Atasha is the last hope.

Kinuha na ni KC ang phone n'ya at sinimulang i-chat si Atasha. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago ko narinig ang notification sound ni KC.

"Tris . . ." Umaasa ako na mayroon siyang alam, please. Ibigay mo na sa 'kin 'to, Lord.

"Ayaw n'yang sabihin kung nasaan si Sia, e. Ibigay na lang daw muna natin 'yung privacy ni Sia sa kan'ya dahil hinahanap pa ni Sia ang sarili n'ya."

Umasa lang naman ako, wala namang masama roon.

"Kaya ka hindi mabigyan ni Sia ng pagmamahal na gusto mo, kasi natatakot siya. Parehong magulang n'ya, nagloko sa isa't isa at si Sia lahat ang umako ng mga sakit." Sharik said, while looking night sky. "Grabe ang pinagdaanan ni Sia sa pamilya n'ya, Tris, kaya hindi ko rin siya masisisi kung hindi ka n'ya magustuhan pabalik."

Bumigat ang dibdib ko dahil sa narinig ko. Kawawa naman ang baby ko.

strawberry drink and cigarettes | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon