7

1.7K 94 6
                                    

AUSTIN POV

Mula noong pagalitan ako ni Boss Travis at nagawa ko siyang halikan hindi na niya ako palaging kinakausap. Gusto ko siyang tanongin kung galit pero inuunahan ako ng takot kasi iba siya makatingin tapos malaki pa yung boses niya. Narito ako ngayon sa higaan ko habang nakatulala lang. Medyo naboboring ako dito kasi wala man lang akong makitang butiki wala tulo'y akong kalaro.



Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas yun. Tumambad naman sa'kin yung mukha ni Yaya Imang habang may dalang pagkain. Umayos ako ng tayo.

"Nag-away ba kayo ni Sir Travis?"Tanong niya.

Tiningnan ko naman siya."Galit po ba siya sa'kin Yaya Imang?"

Peke naman siyang ngumiti."Aba'y hindi ko rin alam, siya ang tanongin mo. Nga pala nagdala ako ng pananghalian para sa'yo. Sana sa susunod sumabay ka na sa'min kumain para naman makapagkwentuhan tayo hindi yung nandito ka lang palagi sa kwarto mo at nagkukulong."

Ngumuso naman ako at tumango. Napangiti naman siya at ginulo ang buhok ko. Nagpaalam na siya na aalis na dahil may aasikasuhin pa daw siya. Nagpasalamat naman ako sa pagkain na dala niya, lagi pa namang masarap yung dinadala niya dito.

Naisipan ko munang umihi kasi sumakit bigla yung pantog ko, sabi pa naman ng Lola 'wag akong magpipigil ng ihi. Iniwan ko na muna yung pagkain do'n tutal wala naman silang alagang pusa kaya wala akong magiging kaagaw.







NIEL POV

I bought some food para ibigay kay, Austin. Gusto ko siyang makilala dahil feel ko magkakasundo kaming dalawa. Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay ni Bossing at laking pasalamat ko at wala siya rito. Pinarada ko na ang sasakyan ko at bumaba na. Sinalubong naman ako ng ilang maids.

"Good morning po sir."Bati ng mga ito.

Ngumiti naman ako."Narito ba si Austin?"

Nagkatinginan naman silang tatlo bago tumango.

"Narito po sir. Sandali lang po at tatawagin ko----"Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Can you tell me where he is. Ako na lang ang pupunta."Tumango-tango naman siya.

"Nasa second floor po, sa unang room."Aniya na ikinatango ko.


Wala na akong sinayang na oras at agad nang tinungo ang kwarto kung saan siya naroroon. Kakatokin ko na sana yung kwarto niya nang mapag-alamang hindi naka lock ang pinto. Akmang sisilipin ko ang maliit na siwang ng may marinig akong tumikhim sa gilid ko. Napapikit naman ako.

"Di'ba sabi ko ako------Bossing?"Agad kumunot ang noo nito ng makita ang pagmumukha ko.

"What the fuck are you doing here?"Mahinahong niyang tanong pero sa mata niya ay parang papatayin na ako.

Napakamot naman ako sa batok ko at hilaw na napangiti. Shit! Anong idadahilan ko?

"Ahh..eh akala ko kasi Bossing na nandito ka kaya naisipan kong punatahan ka dito."Pagsisinungaling ko, nagbabakasakaling maniwala siya.

Pinaningkitan naman ako nito ng mata."You know that I hate liars."

Tumango-tango naman ako."I already know you, Bossing."Pabiro ko pang banat.

Muli akong napakamot sa batok dahil malas ang araw ko ngayon dahil hindi ko man lang naka-usap si Austin, maybe babawi na lang ako sa susunod na araw. Magpapaalam na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang taong gusto kong maka-usap ngayong araw.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now