31

1K 58 11
                                    

AUSTIN POV

Kagigising ko lang pero wala na sa tabi ko si Boss Travis. Bumangon na ako at naisipan kong puntahan siya sa kwarto niya para tingnan sana kung doon ba siya natulog, pero nadismaya ako kasi walang Boss Travis doon sa loob. Napanguso naman ko. Umupo ako sa may hagdan habang nakapatong ang ulo ko sa dalawa kong tuhod.


"Austin?"

Napalingon naman ako sa kaliwa nang may tumawag sa pangalan ko. Napangiti naman ako nang makita ko si Ate Bebang. Lumapit siya at tinabihan ako sa pag-upo.

"Okay ka lang ba? Bakit parang malungkot ka? May napanaginipan ka bang masama?"Sunod-sunod niyang tanong.

Tumango naman ako.

"Nanaginip po kasi ako na meron daw pong kiniss si Boss Travis na babae po."Kwento ko.


Sandali namang natahimik si Ate Bebang. Napalingon naman ako sa may baba nang mapansin kong napahinto sa pagl-akyat si Ate Imang nang marinig niya yung sinabi ko. Nagkatinginan naman silang dalawa. Si Ate Imang ang unang umiwas at mabilis na lumapit sa'kin.


"Jusmeyo ka naman, Austin. 'Wag kang nagpapaniwala sa ganon dahil ang panaginip ay kabaliktaran ng reyalidad."Sabi ni Ate Imang at ginulo ang buhok ko.

Ngumiti naman ako. Nilingon ko si Ate Bebang na ngayon ay nakangiti na rin.

"Hindi naman po magkakatotoo yun Ate Bebang, di'ba po?"Tanong ko.


Hindi naman siya naka-imik agad at isang pilit na ngiti lang ang iginawad sakin. Nilingon ko naman si Ate Imang. Binigyan niya naman ako ng malawak na ngiti at isang mainit na yakap.

"Hindi yun mangyayari okay? kaya 'wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano."Aniya at hinagod-hagod ang likod ko.


Nagtaka naman ako nang sandaling nahinto si Ate Imang at kunot ang noong nakatingin sakin, maging si Ate Bebang ay napalaki din ang mata. Sabay naman silang nagpalinga-linga na parang may hinahanap.


"Bat ka nagising?"Sabay nilang tanong.

"Kasi po namulat na yung mata ko po."Sabi ko habang nakatingala sa kanila.

Napahawak naman si Ate Imang sa kanyang noo. Inalalayan niya naman akong tumayo at may sinilip sa ibaba ng hagdan.

"Mabuti pa bumalik kana sa kwarto mo."Sabi niya habang marahan akong tinutulak.

"Ayoko po. Dito lang po ako, hihintayin ko po si Boss Travis."Pagkamatigas ko.


Napabuga naman ng hangin si Ate Imang. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat habang nakaduko siya, habang nasa likod ko lang naman si Ate Bebang.


"Austin. Alam mo ba kung bakit wala si Sir Travis sa kwarto niya?"Tanong ni Ate Imang.


Umiling naman ako."Hindi po."

"Sabi ko nga hindi mo alam."Sabi niya dahilan para hampasin siya sa braso ni Ate Bebang.

"To naman, joke lang!"Muli akong hinawakan ni Ate Imang sa braso."Twelve o'clock na kasi Austin, kapag nakita ka ni Sir na gising pa tiyak pagagalitan niya kami, kaya sumunod kana samin. Lumapit ka sa pinto ng kwarto mo, buksan mo, at matulog kana."Sunod-sunod na sabi ni Ate Imang.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now