18

1.2K 72 9
                                    

AUSTIN POV

"San ba kasi talaga tayo pupunta Niel?"Tanong ko habang kinakamot yung batok ko.


Niyaya kasi nila ako na pumunta dito sa bitchresor para daw malibot nila ang buong bitchresor. Eh kaya naman nilang libutin 'to kahit hindi nila ako kasama, pero nagpasama pa rin sila. Mabuti na lang at pinayagan ulit ako ng Lolo na gumala ulit, kasi noon hindi na niya ako pinapayagan kapag idang beses na akong nakapaggala.


Inakbayan lang naman ako ni Niel habang binabay-bay naming lima yung puting buhangin. Napukol naman ang tingin ko sa lalaking pamilyar para sa'kin. Nanlaki naman ang mata ko ng magtama ang tingin naming dalawa.

"Pogi!"Nagagalak kong sabi.

Napakunot naman ang noo ni Niel at inikot ako paharap sa kanya. Pinaningkitan niya naman ako ng mata.

"Alam kong pogi ako, Austin, pero 'wag mo ng ipagsigawan, okay?"Aniya na ikinanguso ko.


Napaismid naman si Tantan at marahang tinampal ang medyo may kakapalang buhok ni Niel. Tiningnan naman niya si Tantan. Walanggana naman na tinuro ni Tantan yung lalaking tinitingnan ko kanina. Kunot noo naman sinundan ng tingin ni Niel yung tinuturo ni Tantan.

"That's the man who bumped into Austin last night." Ani ni Tantan habang nasa kay pogi ang tingin.

Nilingon muna ako ni Niel bago siya nagsalita.

"How do you know?"Tanong ni Niel.

"Let's just say I'm better than you."Matipid na sagot ni Tantan at umupo sa may gilid kung saan may upuan na yari sa resaykel na gulong ng jep.

Tiningala ko naman si Niel nang bigla siyang nagpamewang. Nilingon niya naman ako at mapang-asar akong tiningnan. Hinawakan niya naman ako sa magkabilang balikat. Lalakad na sana siya nang mabilis siyang talipirin ni Yaney kaya ang nangyari napadapa siya sa buhangin.


May mga tao namang nagtawanan ng makita ang puwesto ni Niel. Nilingon ko naman si Yaney at Dardar na seryoso lamang ang tingin kay Niel.

"Ano na namang kalokohan ang pumasok sa utak mo?"Tanong ni Yaney.

Padabog naman siyang tumayo at pinagpagan ang sarili. Nilingon niya naman si Tantan na seryoso lang din ang tingin sa may dagat na parang anlalim ng iniisip. Sino kaya nasa isip ni Tantan?

"None of your business."Panggagaya ni Niel sa mga salitaan ni Tantan. Hayst si Niel talaga.












THIRD PERSON POV

"Austin, right?"

Napalingon naman sa may likuran si Austin ng may magsalita mula sa likod niya. Hinarap niya naman ito habang nakangiti. Kinawayan niya naman ito.

"Hilow po."Bati niya dito.

Ngumiti naman ito sa kanya at kinawayan siya pabalik.Magsasalita na sana ito nang mapansin ang apat na matitipunong lalaki na nasa likuran ni Austin at walang emosyon ang mga mukha. Napakibit balikat na lamang ito at binalik na ang tingin kay Austin habang hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.

"Mga body guards mo?"Tanong nito sa kanya sabay lingon sa gawi nila Niel.

Umiling naman siya.

"Hindi po, kaibigan ko po silang lima kuyang pogi."Sagot niya.

Napangiti naman sa sinabi niya.

"I see.."

"Ikaw po? Wala ka po bang prends?"Tanong niya dito.

Umayos naman ito ng tayo at isa-isang binalingan ng tingin ang apat na wala pa ring kibo hanggang ngayon. They really act like Austin's Body Guards.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now