26

914 51 10
                                    

AUSTIN POV


"Good morning, Austin."bati sa'kin ni Ate Bebang habang pababa ako ng hagdan.

Kinusot-kusot ko pa yung mata ko, baka kasi may muta ako, nakakahiya. Malawak ang ngiting binibigay sakin ni Ate Bebang kaya malawak din ang ngiti ko.


"Maaga ka yatang nagising."May halong pagbibiro nito. Ngumiti naman ako.

"Kasi po nakasama ko ulit si Boss Travis. Andiyan po ba siya Ate Bebang?"Nakangiti kong tanong.

Tumango naman siya habang may ngiti sa labi.

"O--"

"Hanap mo 'ko?"Biglang sulpot ni Boss Travis sa likod ni Ate Bebang.

Kaagad naman akong lmapit sa kanya at yumakap ng mahigpit. Hinapit naman ng isa niyang kamay ang likod ko habang ang isa naman ay sa ulo ko at hinaplos iyon ng marahan.


"It seems you missed me a lot."Sabi niya na ikinangiti ko na lang kahit hindi ko siya naiintindihan.

"Boss Travis?"Tawag ko sa pangalan niya nang humiwalay ako sa yakapan.

Yumuko naman siya para magpantay ang tingin naming dalawa.

"Hmm? Do you need anything?"Tanong niya habang nakapatong ang kamay niya sa ulo ko.

"Hindi ka na po ba aalis? Hindi mo na po ako iiwan? Palagi na po tayong magkasama?"Tanong ko.

Nilingon niya muna si Ate Bebang at tinanguan. Kagad naman nagpaalam si Ate Bebang na babalik muna siya sa kitchen. Bumalik naman ang tingin ko kay Boss Travis nang bumaba ang kamay niya sa pisnge ko. Ngumiti siya pero hindi umabot yon hanggang sa langit.


"Kumain ka na ba?"Mabilis naman akong umiling.

"Bos-----"

"Then, we should eat now."Putol niya sa sasabihin ko.


Magtatanong pa sana ako nang mabilis niyang putolin yon at inaya na ako sa hapagkainan. Tahimik lang akong nakasunod sa likod niya. Pinaghila naman ako ni Lola Kakay ng upuan para doon umupo. Nagpasalamat naman ako sa kanya na ikinatango niya na lamang.


Napatingin naman ako kay Boss Travis na abala sa pagtitipa sa kanyang selpon habang may ngiti sa kanyang labi. Saglit namang napunta sakin ang tingin niya. Nagpalipat-lipat naman ang tingin niya sa akin at sa pagkain ko.


"Why you are not eating?"Tanong niya kaya napatingin ako sa pagkain ko.

Umiling naman ako.

"Wala naman po akong sinabing hindi masarap, Boss Travis."Sabi ko. Napangiwi lang siya at pinatay na yung kanyang selpon.


Lumapit naman siya sakin at tumabi ng upo. Hinarap niya naman ako habang pinaningkitan ng mata.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now