12

1.5K 81 12
                                    

AUSTIN POV

Matapos kong iimpake yung mga damit ko ay bumaba na ako gaya ng sabi ni, Boss Travis. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta, wala naman siyang nasambit na lugar, pero dahil kasama ko naman siya ay pumayag na ako. Sinalubong naman ako nila Lola Kakay nang makita akong pababa sa hagdan at dala ang mga gamit ko.

"Sa'n ka pupunta, Hijo? Bakit dala mo mga gamit mo? Aalis ka ba?"Takang tanong ni Lola Kakay at tinulungan akong ibaba yung gamit ko.

"Nag-away ba kayo ni Sir? Pinapalayas ka ba niya? Ano? Sumagot ka?"Sunod-sunod na tanong ni Ate Imang.


Nagtaka naman ako nang ipahawak niya sakin yung daspan at sa kanya naman yung walis tambo.

"Ayan hawakan mo 'yan, 'wag mong bibitawan. Walang aalis, okay? ipaglalaban natin ang karapatan natin bilang isang kasambahay!"At akmang susugod na sana siya nang higitin bigla ni Ate Bebang ang buhok niya.


"Opo aalis po ako----."


"Hindi! Walang aalis! Pumirma ba ako? Hindi diba? So walang aalis!"Pagmamatigas niya at muli na naman sanang susugod ng hatakin siya ni Ate Bebang.

"Magseryuso ka nga Imang!"Tila naiinis nang turan ni ate Bebang.


Napa tsked naman si Ate Imang at inayos ang kanyang buhok na nagulo. Naguguluhan namang humarap sakin si Ate Bebang at palipat-lipat ang tingin sa akin at sa aking dalang bag.


"San ka ba talaga pupunta? at tsaka bat ka naman aalis dito?"Tanong niya.

Ngumiti lang naman ako ng malawak na lalong ikinakunot ng noo niya.Natigil naman sila sa pagtatanong sakin ng makita si boss Travis na pababa sa hagdan na may dala ding bag pero mas malaki yung dala niya kesa sakin.Nakamasid lang naman sila kay boss Travis hanggang sa makalapit na ito sa amin.


"A-ahh..aalis po kayo Sir?"Tanong ni ate Bebang.Tumango naman si Boss Travis bilang sagot.

"Kasama niyo po si, Austin"Tanong ni Ate Imang habang hawak parin ang walis tambo.

Napakunot naman ang noo ni Boss Travis ng makita niya ang hawak kong daspan. Napakamot naman sa batok si ate Imang at nahihiyang kinuha sakin ang daspan.

"Aalis ako kasama si Austin.."Nilingon niya naman si Lola Kakay."Manang, sa'yo ko ulit ihahabilin itong Mansion. I know you all know what's my rules."paalala niya.

Tango lang naman ang sinagot nila Ate Bebang.

"Makaka-asa ka Sir."Sagot ni Lola Kakay kaya napangiti ako.

"I left my staff here to watch over you, it's either if something happens don't hesitate to call me. I'll be there." they all nodded."Tumango naman silang lahat.


Kinuha naman ni Boss Travis yung bag ko at nauna nang lumabas. Naiwan naman ako dito sa loob dahil gusto ko pang magpaalam sa kanilang tatlo, hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta at kailan kami babalik.


"Mag-iingat ka, Austin huh kung saam mang lugar kayo pupunta.."tumango naman ako sa kanya."Basta tandaan mo itong sasabihin ko huh. Dapat pera muna bago bukaka, okay?"

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now