17

1.2K 74 6
                                    

THIRD PERSON POV

Hindi maipaliwanag ni Travis ang kanyang nararamdaman para sa binatang si Austin. Hindi naman siya naging emotional kahit kanino even Loraine. Halos hindi na rin niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya iyon nararamdaman. Isang bagay lamang siya nakakasiguro, masaya kapag kasama si Austin.

Sa kabilang banda naman. Patuloy lang sa pag-iyak si Austin habang inaalo ng dalawang magkaibigan. Napatingin naman sa selpon si Niel ng bigla itong magvibrate. Nilingon niya naman si Jet na ngayo'y nagtatanong ang mga tingin.

"They've arrived."He informed.

Humiwalay naman sa pagkakayakap si Austin. Pinahid naman ni Niel ang ilang luha sa pisnge ni Austin.

"Huwag ka ng malungkot, okay?"Ani ni Noel at hinaplos-haplos ang likod ng ulo nito.

"Ibabalik na natin siya sa mag-asawa, panigurong naghahanap na rin ang mga yun sa kanya."Anang ni Jet at sinaklob ang isang black leather jacket kay Austin.

"Mabuti pa nga."

Nagsimula na silang lakbayin ang daan pauwi sa munting bahay ni Austin kasama ang mag-asawang Probadora. Sinalubong naman sila ng mag-asawa ng makarating sila. Inaya naman sila nitong pumasok sa loob, kaya hindi na sila nagdalawang-isip pa na pumasok.

"Kamusta naman ang naging lakad niyo, Apo? Nag-enjoy ka ba?"Pangangamusta ng matanda.

Nanatiling nakayuko lamang ang binata at walang balak na sagutin ang matanda. Makahulugan namang tiningnan ng matandang babae ang dalawa. Umiling naman ang mga ito at kanya-kanyang nagsikuha ng maiinom.

"Mabuti pa ho, Ma'am pagpahingahin niyo na muna si Austin.."Paunang salita ni Niel at nilingon ang kaibigan."Paniguradong napagod siya kanina sa paglilibot namin sa kabilang isla."

Napabuntong hininga naman ang matanda. Inalalayan niya naman makatayo ang kanyang apo at sinamahan hanggang sa marating nila ang tulugan nito. Hinalikan muna ng matanda sa noo ang kanyang apo.

"Good night, Apo."Anito at bahagyang winahi ang bangs nito sa noo.

"Gowd nayt po, Lola."Walang ganang pagkakasabi nito sa matanda.

Napailing na lang ang matanda ng talikuran siya nito. Malakas ang kutob ng matanda na may nangyari kanina sa pagliliwaliw nito kanina kaya ganito na lamang ang mga kinikilos nito. Saglit niyang binalingan ng tingin ang kanyang apo bago naisipang lumabas ng silid.

Bumungad naman sa kanya ang kanyang asawa na seryosong nakikipag-usap sa dalawang kasamahan ni Travis. Nilingon naman siya ng mga ito nang makalapit siya sa puwesto ng mga ito.

"Pwede ko bang malaman kung anong nangyari at bakit ganon na lang kalantutay ang apo ko?"Mahinahong tanong ng matanda.

Jet cleared his throat at umayos ng upo.

"Ang totoo niyan, Mrs. Probadora.We don't know either."Pag-amin niya na ikinakunot ng noo ng matanda.

"Anong ibig mong sabihin..."

"Kahit kami ay hindi rin namin alam ang totoong nangyayari sa apo niyo..."Napahinto siya sa pagsasalita."At sa kaibigan naming si Travis."

Mas lalong nangunot ang noo ng dalawang matanda. Hindi nila maintindihan kung anong pinupunto ni Jet sa kanila at ang tinutukoy nitong relasyon ng kanilang apo at kaibigan nito.

"Wag niyo sabihing may namamagitan sa Apo ko at sa Boss mo."Mahinahong pagkakasabi ng matandang lalaki.

"Like what I said earlier Mr and Mrs. Probadora. Hindi namin alam kung anong meron sa kanilang dalawa."h
He stopped and cross his arm.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now