2

2.6K 134 4
                                    

AUSTIN'S POV

"Ready ka na ba?"tanong ni Kuya Jekjek.

Ipinaalam niya kasi ako kina Lolo at Lola na kakain kami sa labas, pero mamaya pa naman yun dahil pinapadala niya ulit sa'kin itong bag. Hindi ko nga alam kung bakit niya binibigay yung bag sa ibang tao, mukha pa namang mamahalin.



Tinapik naman niya ang balikat ko ng mapansin niyang natahimik ako bigla. Tumango-tango naman ako.


"Teka, sandali. Wala pa akong sinasabi."hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Sabihin mo sa'kin kung handa ka na, hindi kita pipiliti-----"


"Kaya ko po basta pramis niyo po ah na kakain tayo sa labas kapag nihatid ko na po 'to."putol ko sa sasabihin niya.


Napangiti naman siya. Hinawakan niya ang buhok ko at ginulo yun.



"Pangako."tinaas niya pa ang isa niyang kamay na parang namamanata.


Niyakap ko muna siya bago ko kinuha yung bag. Medyo may kabigatan ulit siya kaya panigurado mag-uube na naman ang kamay ko, pero okay lang kakain naman kami sa labas ni Kuya Jekjek. Pasa lang naman yan e.


Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng tawagin niya ako. Nilingon ko naman siya. Lakad-takbo ang ginawa niya para malapitan ako. Nagulat naman ako ng yakapin niya ako ng mahigpit, pero mas lalo akong nagulat ng halikan niya ako sa noo.


"Mag-iingat ka, Austin. Hihintayin kita, okay?"tumango ako at matipid na ngumiti.


Tumingkayad ako at nihalikan ko siya sa kanyang pisnge na ikinagulat niya ng bahagya, pero agad ding napalitan ng isang matamis na ngiti.


"Bye na po. Ibibigay ko na 'to para makakain na po tayo."ngumiti siya pero parang malungkot naman siya. Hays ewan!



Habang binabay-bay ko ang daan ay diko maiwasang kabahan. Takot kasi ako sa dilim baka..baka kasi may momo tas awayin ako, ayoko pa naman yun. Tinapangan ko na lang ang loob ko dahil pagkatapos nito ay kakain na kami ni Kuya Jekjek na magkasama.











THIRD PERSON POV

"Boss."

They greeted their Boss when he arrived. Sinenyasan naman niya itong magsi-upo. Hindi ito ang una nilang sabak sa mission, pero kailangan nilang maghanda dahil hindi basta-bastang tao ang makakasalamuha nila ngayong gabi.


Si Mr. Greg ang isa sa pinakang matanda na sa industriya ng mga druglord dito sa bansa pero hindi nila magawang mahuli-huli ito bukod sa pagiging matalino nito at matinik din itong kalaban. Dagdag pa nito ang napakaraming tauhan na halos nasa 50% ang lamang sa kanila kaya kailangan nilang pagbutihin ito ngayong gabi.


"Tristan. Do your task. Don't let each of them get away. We need their heads."isang tango naman ang sinagot nito.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now