21

1.2K 74 8
                                    


AUSTIN POV

"Niel?"Tawag ko sa pangalan niya.


Nilingon niya naman ako at nilapitan. Ginulo niya pa muna ang buhok ko bago naupo sa tabi ko.

"Bakit may problema ba? or natatae ka?"Tanong niya. Umiling naman ako.

"Nasan po si Boss Travis?"Tanong ko.



Saglit muna siya natahimik bago nilingon ang isang malaking bulto ng lalaki na kakapasok lang. Nginitian niya muna ako bago nagpaalam na iihi lang daw siya. Malawak naman ang ngiti ko habang papalapit sa puwesto ko si Boss Travis. Nihalikan niya ako sa aking noo.


"Bakit hindi ka pa natutulog?"Tanong niya.


Yumakap naman ako sa kanya ng mahigpit at ninamnam ang init ng yakap niya. Naramdaman ko naman ang paghaplos ng kaliwang palad niya sa likod ko. Kinalas niya naman ang pagkakayakap sa kanya ng dumating sina Tantan at Yaney. Tumikhim sila bago umiwas ng tingin.


"Ilang minuto na lang ang natitira at darating na rin sina Trina."Seryosong sabi ni Tantan.


Tiningnan naman ako ni Tantan at pasimpleng kinindatan na ikinangiti ko ng lihim baka kasi pagalitan na naman sila ni Boss Travis. Nilingon lang naman sila ni Boss Travis sabay tango kaya wala silang nagawa at agad na ring lumabas.


"Boss Travis?"

"Hmm?"Sagot niya tapos matamlay ang matang nilingon ako.

"Sino po yung Trina?"Tanong ko.



Medyo nagulat pa siya kasi lumaki ng konti yung mata niya, pero agad din napalitan ng isang matamis na ngiti.

"You will met her."Aniya pa.

Napatango naman ako.

"Sow masarap po ba yun kapag ni adobo?"t
Tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

"What do you mean?"

"Sabi niyo po kasi "meat" sabi po kasi ni Tantan na ang inglis po ng karne ay meat po."Sabi ko habang namimitok ang mata ko.


Natawa naman siya ng mahina at ginulo ulit ang buhok ko.

"What I mean here is makikilala mo rin siya mamaya at sigurado akong magiging close agad kayo."Aniya niya pa at pinisil ang dulo ng ilong ko. Napangisi naman ako.


"Talaga po?"Tumango naman siya."Mabait rin po ba siya gaya mo Boss Travis tsaka nila Niel din?"

Tumango naman siya."Yes, she's a definitely beautiful."

Napangiti naman ako at napapalakpak sa kawalan. Nagtaka naman ako ng biglang nagsipasokan sina Niel, Tantan, Dardar, at Yaney na may hawak na mga baril habang nakatutok sa amin. Agad naman akong yumakap kay Boss Travis at isiniksik ko ang mukha ko sa balikat niya. Narinig ko naman yung mga salitaan niyang parang nagmumura.










THIRD PERSON POV

"What the fuck do you think your doing?"

May inis sa tuno niyang sabi nang masaksihan kung anong katarantaduhan na namang pinaggagawa ng kanyang mga kaibigan. Kanya-kanya naman ang mga ito na nagsikamot sa kanilang batok at agad na itinago ang mga baril nang mapanain nila ang takot sa mukha ni Austin kanina. Agad naman silang umiiwas nang tingin kapag binabalingan sila ng matalim na tingin ni Travis.

Umayos naman ng tayo si Niel at naglakas-loob na magsalita kahit na sa loob-loob niya ay kinakabahan na rin siya.

"Pasensya kana Bossing, akala kasi namin kung napano na kayo ni Austin."Pagdadahilan niya pa dito.


Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now