39

721 46 4
                                    

AUSTIN POV

"Why are you still awake? hmm?"

Tanong ni Boss Travis nang lumabas siya sa malaking pintuan ng kwarto ko. Nakapamulsa siya na lumapit habang na sa mata ko lang ang tingin.

Ngumuso naman ako at tinapik ko yung kama ko para umupo siya sa tabi ko. Narinig ko naman ang paghagik-ik niya.

"Aren't you still sleepy?"Nakataas ang kilay niyang tanong.

Umiling naman ako.

"Hinihintay ko po si Ate Imang."

Kumunot naman yung noo niya."Why? do you need anything? tell me I'll give it to you as much as I can do."

Ngumuso naman ako."Nagpromise po siya sa'kin na magwa-watch po kami ng Dora de Exproiler together po."

"Did she?"Tumango naman ako.

Ikinulong niya naman yung mukha ko sa dalawa niyang malaking palad.

"Ako yung narito. Why don't you invite me with you to watch?"At pinisil niya ang pisnge ko.

Nanlaki naman yung eyes ko.

"Hindi ka po magagalit sa'kin kasi nanonood po ako ng Dora de Exproiler?"Tanong ko.

Natawa naman siya nang mahina."Why would I? If you are happy with what you are watching, I will support you."

"Talaga po?"

Tumango naman siya at matamis na ngumiti. Hinawakan niya yung ulo ko at hinalikan sa noo.

"Kailanman ay hindi ako magiging hadlang sa mga kagustuhan mo."Ngumiti naman ako at pinindot yung ilong niya. Humagik-ik lang siya at hinalikan ako sa labi nang paulit-ulit.

"I love you."

Napatingala ako sa kanya nang sabihin niya 'yon.

"Love mo po ako Boss Travis?"Tanong ko. Tumango naman siya na may katiyakan.

Ngumuso naman ako na ikinawala nang ngiti sa kanyang labi. Hinawakan niya yung baba ko at marahang tinaas 'yon para magpantay ang tingin naming dalawa.

"Why? Do you doubt it?"Sa mata ko lang siya nakatingin nang sabihin niya 'yan.

Ngumuso ulit ako."Pero dalawa mo po kaming love."

Ngumisi naman siya at mabilis na hinalikan ako sa labi.

"At sino naman yung isa?"Aniya habang taas baba ang kilay.

"Si Ate Loraine po."At yumuko ako para hindi ko makita yung galit niya na mukha.

Nakikita ko kasi siya na nagagalit kapag sinasambit yung pangalan ni Ate Loraine. Lagi niyang sinasabi sa mga nagsasabi sa pangalan ni Ate Loraine ay "don't you dare to say that name again."kaya natatakot ako na baka pagalitan niya ako.

Hinawakan niya yung baba ko at itinaas 'yon. Huminga muna siya ng malalim bago nagpakawala ng salita.

"Narinig mo ba lahat nang pinag-usapan namin?"Tumango naman ako, pero agad din umiling.

Narinig ko naman yung mahina niyang tawa."Are you scared of me?"

Umiling naman ako pero agad ding tumango kalaunan. Nakangiti lang naman siyang tiningnan ako. Lumingon naman ako sa hita niya nang tapikin niya 'yon tanda na gusto niya doon ako umupo.

Hinawakan niya yung dalawa kong kamay at inalalayan akong makalipat ng upo sa hita niya. Ipinulupot niya yung isa niyang braso sa bewang ko habang ang isa naman ay nasa kanan kong hita. Sinandal ko naman yung ulo ko sa malapad niyang dibdib.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now