40

904 48 12
                                    


AUSTIN POV

"He's fine now, Duke. The only thing he need to do is rest, he drank quite a lot of salty water...so I suggest that he drink fresh water so that he can urinate."Bahagya naman akong nilingon ni Ma'am Doctor at agad binalik kay Boss Travis.

"That's all, Duke. I will excuse myself."Tapos yumukod siya na ikinatango lang ni Boss Travis.

Lumapit naman sa hinihigaan ko si Boss Travis at umupo siya sa gilid ng ulohan ko. Bahagya niyang sinuklay ang buhok ko.

"Sigurado ka ba na ayos kana?"Paninigurado niya.

"Okay naman po talaga ako Boss Travis e, masyado lang po ikaw nag-alala sa'kin...pero ngayon huwag na po ikaw magworry kasi po strong na ulit ako."At tinaas ang dalawa kong braso at pinagmamayabang yung muscle ko kahit wala naman.

Natawa naman siya nang mahina at pinisil ang pisnge ko.

"Okay..okay. Naniniwala na ako."At muling kinurot ang pisnge ko.

"Aren't you hungry?"

Ngumuso naman ako at napahawak sa tiyan kong kumukulo na. Napahagik-ik naman si Boss Travis habang naiiling.

"I knew it. Just wait a few minutes for your food to come, okay?"Tumango na lang ako at gaya nang sabi niya ay naghintay ako.

Mabilis nagdaan ang mga araw at ngayon ay mangunguha ulit kami ng mga shell sa tabing dagat gaya nang ipinangako ni Boss Travis sa'kin. Nandito pa rin naman sina Niel at sasamahan nila akong maglibot sa tabing dagat.

"Kailangan pa ba namin ng costume?"Tanong ni Niel nang makita nila yung kustyom na sinasabi ko kay Boss Travis.

Naikiling naman ni Tantan yung ulo niya."Yeah. That's what he wants kaya sundin mo na lang 'wag kana magreklamo."

Nirolyohan naman siya ng mata ni Niel."Asus, palibhasa si Dracula ka lang e."

"Fuck you."

Nagtawanan naman silang lahat at bago pa man sila tuluyan mag-asaran ay nasaway na sila ni Boss Travis.

"Just wear that and no more buts."Maawtoridad na sabi ni Boss Travis.

Napakamot naman si Niel sa kanyang ulo habang tinitingnan yung napunta sa kanyang kostyum. Binalingan niya naman ako nang tingin at bahagyang ngumuso. Ngumiti naman ako at nag peace sign sa kanya.

"Sa pogi kong 'to magiging shokoy lang?"Naiiling na sabi ni Niel.

"Bakit? bagay naman sayo ah."Sabi ni Tantan na nagpipigil ng tawa."Beside, mas lalo kong nakita ang kapangitan mo."At humagalpak na ito ng tawa.

"Mas pangit kaya si Dracula kaysa sa shokoy. Isipin mo 'yon marami kang tentacles tapos malaway pa, di'ba kadiri 'yon?"Maarteng pagkakasabi ni Niel at pinalantik ang mga daliri sa ere.

Natatawang tinuro naman ni Tantan ang sarili."At least yung tentacles ko lang ang naglalaway, e yung sayo? HAHAHA."

Napanguso na lang si Niel nang tumawa kaming lahat at tuluyan siyang pinag-aasar nang mga kasamahan. Mabilis naman kaming natapos sa pagsusuot ng kostyum namin kasi tinulungan kami nang ilang mga staff.

Medyo natagal lang sa'kin kasi masyadong maluwag yung buntot na binigay sa'kin kaya nahuhuslo. Napapanguso na lang din ako dahil imbes na si Niel lang yung inaasar nila nabaling na sa akin.

"Are you okay with that? gusto mo magpalit?"Usisa sa'kin ni Boss Travis nang samahan niya akong magpapicture sa potograpir.

Umiling-iling naman ako habang winawagay-way ang kamay ko sa ere.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now