5

2.2K 110 6
                                    

TINO'S POV

Nakagising ako ng maraming mukhang nakatingin sa'kin. Nikusot ko naman yung mata ko kung nanaginip ba ako, pero hindi naman. Lumapit naman yung isang lalaki sa'kin, yung nagpipigil na tumawa kahapon habang hawak ko yung balons-balons ko.


"He's awake.."sabi niya kaya nagsilapitan yung tatlo niyang kasama.

"He is indeed alive.  It's surprising, his body should have floated in the Pasig river yesterday."patuloy lang sila sa pagsasalita habang na sa'kin ang mata.


"Who are you?"sabi nong isang lalaki.


Hindi ko sila sinagot kasi hindi ko naman sila kilala tsaka hindi ko rin naiintindihan yung sinasabi nila. Napalingon naman kaming lahat ng dumating si Boss Travis habang may dalang gatas. Nilapag niya naman yun sa katabi kong lamesa at isa-isang pinasadahan ng tingin yung mga lalaki.


"Kumusta ang tulog mo?"tanong ni Boss Travis at umupo sa gilid ng higaan ko.

"I-uuwi niyo na po ba ako?"tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya."Gustohin ko man, pero hindi pa pwede."


"Bakit po?"nginusuan ko siya.


Gusto ko ng umuwi. Miss ko na ang Lolo at Lola ko, paniguradong pagagalitan nila ako kapag hindi pa ako umuwi. Hinawakan niya ang balikat ko at tinitigan ako sa mata.


"Austin, listen to me."saglit siyang tumigil."You can't go home yet, you can get hurt there.  We are concerned about your safety."

"Ano po yun?"tanong ko.Napagiwi naman siya.

"Kaligtasan mo."inalis ko yung kamay niya sa braso ko.

"Wala naman pong umaaway sa'kin e tsaka andyan naman po Lolo ko para po ipagtanggol ako. I-uwi niyo na po ako, pliss...."napabuntong hininga naman siya.



Napatingin siya sa mga kasama niya na ngayon ay nakanganga na na parang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. Mukha ba 'kong momo? o si Boss Travis?

"Okay, I promise. Gagawa ako ng paraan na i-uwi ka, pero hindi pa sa ngayon."pumayag na 'ko dahil makikita ko na ulit ang Lolo at Lola

Baka kasi nag-aalala na sila sa'kin. Lagi pa namang sumasakit ang dibdib ng Lolo kapag hindi niya ako nakikita at lalo na kapag nag-aalala siya sa'kin.


"Austin. Halika na aalis na tayo."tawag sa'kin ni Boss Travis.

Sabi niya kasi na uuwi muna siya sa bahay niya at isasama niya ako. Gusto ko sana magpa-iwan, pero wala akong kasama dito kaya sumama na lang ako. Inalalayan naman niya akong umakyat sa kosi niya, napanganga naman ako ng maka-upo ako sa loob.


"Ang ganda po."namamangha kong sabi.

Natawa naman siya ng mahina.

"You like it?"


Tumango-tango naman ako habang nililibot ang tingin sa buong kosi niya. Tiningnan ko din yung likod, mabilis naman siyang umalalay sa'kin ng lumuhod ako sa upuan upang silipin ang naron sa likod.

"Be careful naughty kid."paalala niya ng lumipat ako sa likod.










NIEL'S POV

Narito kami ngayon sa labas ng Headquarters at hindi pa rin kami makapaniwala sa mga nakikita namin ngayon kay Bossing. Hindi siya 'to. Kailan pa siya naging maamong tupa sa mga taong nahuhuli namin. Nanaginip lang ba ako---kami?

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now