15

1.3K 79 4
                                    

AUSTIN POV

"Halika dito, Austin. Dalian mo."Apuradong sabi ni Niel.

Agad naman akong lumapit sa kanya. Inabot niya naman sa'kin yung san gasses at tsaka yung kwintas na yari sa mga kabibi. Napalingon ako sa kanilang apat nang mapansin na pare-parehas pala kami ng kwintas. Ang galing naman.


Nagulat naman ako nang bahagyang pinihit ni Niel yung ulo ko para humarap sa kamira.


"Eyes on camera, Austin."Sabi naman ni Dardar.

"Say cheese!"

At sabay-sabay silang ngumiti habang labas yung pantay at mapuputi nilang ngipin.

Napangiti naman ako at napatalon-talon pa.


"Siy chis!"Sigaw ko at hinila ang batok ni Tantan at Niel.


Nagulat naman nang bahagya yung dalawa, pero agad ding napalitan ng isang malaking ngisi. Binuhat nila akong apat at ngumiti kami sa kamira nang biglabg umilaw yun. Inilapag naman nila ako sa buhangin nang ibalik na kay Niel yung silpon niya.


"We looks like his father."Naimik ni Tantan habang nakatingin sa silpon.

Natawa naman nang bahagya ang tatlo habang naiiling.

"Ikaw lang naman."Sarkastikong sabi ni Niel. Sinamaan naman siya nito ng tingin.


Nagkatinginan naman silang lahat bago nabaling sa'kin. Ngumisi naman sila ng malaki at sabay-sabay na sumugod sa akin. Napatakbo naman ako kasi para silang nasaniban ng masamang ispirito. Ganito kasi ang mga hitsura no'ng mga nagagamot ni Manang Loleng.


"Takbo, Austin. Takbo!"Sigaw nilang lahat.



Napalingon naman ako sa gilid ko nang makita kung sino-sino ang kapantay ko na tumakbo ay este pala ako lang yung tumatakbo habang sila naman ay nagjajaging lang. Ginulo naman ni Tantan ang buhok ko nang huminto kami sa pagtigil. Sumunod naman si Niel, Yaney, at nahuli naman si Dardar. Dahil sa inis ko. Kinuha ko yung braso ni Dardar at kinagat.



"Aww, fuck!"Daing niya.

Nilagay ko naman yung kamay ko sa gilid ng ulo ko at inilabas yung dila ko.


"Nyenyenye. Taya ka na, Niel!"Nang-aasar kong sabi sa kanya.

Pinaningkitan niya naman ako ng mata.


"So this is what you like?"Nakataas ang kilay na tanong ni Niel.


Nagulat naman ako ng hawakan ako ni Yaney at hinigit para tumakbo. Nilingon ko naman si Dardar na itinaas ang suot niyang pans hanggang tuhod at sinimulan na kaming habulin. Napasigaw naman ako nang malapit na niya kaming abutan.



"Ahhh. Takbo, Dardar!"Sigaw ko.


Napahalakhak naman si Dardar habang nakahawak sa kanyang tiyan ang kabila niyang kamay. Huminto naman ako sa pagtakbo na ipinagtaka niya. Umupo ako sa buhangin at nginusuan siya. Ngiting-ngiti naman siyang umupo paharap sa akin.


"What's the matter?"Inglis na naman niyang tanong.

"Eh tinatawanan mo ako Dardar e, dinadaya niyo ako e."Pagtatampo ko.



Napahagik-ik naman siya. Mga ilang segundo naman ang lumipas ay dumating na rin sina Niel, Tantan, at maging si Yaney na parehas basa na ang damit dahil siguro sa pawis nila. Inabot naman sa akin ni Niel yung kinuha niya sa akin na lagayan ng tubig ko. Binuksan niya naman yun ng ibalik ko sa kanya. Akmang iinomin ko na nang mabilis akong pigilan ni Yaney.



Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now