27

864 58 11
                                    


AUSTIN POV

"So ano? gala tayo after magsamba?"Sabi ni Ate Imang habang hinihintay namin si Lola Kakay.

Sabi kasi ni Ate Bebang na sasamba daw kami ngayon dahil ilang linggo na rin daw silang hindi nakakasamba. Sumama ako kasi namimiss ko na rin sumamba kasama ang Lolo at Lola.


Napatingin naman sa kanya si Ate Bebang."Hindi pa nga tayo nakakasamba, gala agad ang nasa isip mo."

Naparolyo naman ng mata si Ate Imang at hindi na muling nagsalita. Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa makarating na kami sa simbahan.Naunang lumabas si Mang Felisho at pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan.

Nilibot ko naman ang tingin sa buong paligid. Malaki yong simbahan nina Ate Imang kumpara sa simbahan namin sa probinsya, pero bilin sakin ni Lola na wala naman daw sa laki at liit ang simbahan para masabi lang na malapit ka kay Papa God.Naagaw nang atensyon ko ang babaeng naglalakad habang nakaluhod papuntang altar.


Gusto ko sanang itanong sa kanila kung bakit ginagawa iyon nong babae pero hindi ko na itinuloy dahil nagdarasal na silang dalawa.Nagdasal na rin ako, ipinagdasal ko na sana makita ko muli ang Lolo at Lola ko kasi sobrang miss na miss ko na sila.Miss ko na yung luto niya tapos yung pag-iingat na ginagawa niya sakin.Muling naagaw ang atensyon ko ng maglolang nasa tapat namin.


"Lola, bili mo po ako mamaya ng lilipop ah."Napangiti naman yong Lola.

"Oo naman, pero dasal ka muna..para lagi kang ginagabayan ng panginoong maykapal."Tumango-tango naman ang bata at sinunod ang matanda.


Nawala lang ang paningin ko sa kanila nang may kumublit sakin.

"Tino, ayos ka lang?"Tanong ni Ate Bebang.

"O-opo."Aniko at pekeng ngumiti.

Matapos namin magdasal at magpasalamat sa panginoon ay lumabas narin kami.Nawala narin sa paningin ko yung maglola, huminto muna kami sa mga nagtitinda nang BBQ.

"Ate Imang!"Pagtawag ko."Gusto ko po non."Sabay turo nong BBQ.

Tumingin muna si Ate Bebang, tinanguan naman siya.

"No, hindi pwede."Napanguso naman ako.

"Sige na po, please.."Pagmamakaawa ko.

Gustong-gusto ko kasi yon kasi yon yong kinakain lagi namin ni Kuya Jekjek noon sa probinsya. Tinaasan naman ako nito ng kilay. Napabuga naman siya nang hangin.


"Fine, ibibili na kita pero in one condition."Sabi niya.

"Ano naman pa-condition ang gagawin mo? Naku Imang tigil-tigilan mo yang kasaltikan mo ah kapag yan nakarating kay Sir tiyak mawawalan ka na talaga ng trabaho."Puna sa kanya ni Ate Bebang pero tumawa lang naman si Ate Imang.

"Calm down, jo. Manood ka na lang."Sabi ulit ni Ate Imang habang malawak ang ngisi.

"Ganito, kakantahin mo lang yong clover na song then bibilhan na kita ng kahit na anong gusto mo."Sabi niya. Pumayag ako kasi bibilhin niya na lahat nang magugustuhan ko.

"Ito pakinggan mo muna then sunod, ikaw naman ang kakanta, gets?"Sabi niya at itinapat ang ispeyker sa tenga ko.

"Gets po, Ate Imang!"Sabi ko pa bago pakinggan yong kanta.


Nakailang beses ko siyang pinakinggan kasi ambilis tapos umiba pa yong boses pag dating sa huli. Pansin ko naman ang pagpipigil nang tawa ni Ate Imang habang si Ate Bebang at nilalakihan ng mata si Ate Imang.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now