14

1.4K 80 4
                                    

AUSTIN POV

Nandito kami ngayon ni Boss Travis sa tabing dagat at hinihintay ang paglubog ng araw, medyo natagalan kasi kami sa pag-aayos noong tint. Nakasandal ako sa malaking balikat ni Boss Travis habang kinakain yung kaninang niluto naming mashmalo at hadog. Hindi muna kami uuwi doon sa resor, sa amin. Ipinagpaalam naman ako ni Boss Travis kina Lolo at Lola e.



Sabi ni Boss Travis sa may likod nitong aylad ay merong ibang mga tao na gusto din dito magtagal ng ilang araw kaya pupunta kami doon bukas para gumala. Kami lang kasi ni Boss Travis dito kaya natatakot ako medyo kasi baka may momo dito tapos kainin kami. Ayoko no'n kasi hindi ko na makakasama si Boss Travis kapag inaswang siya.


"Boss Travis wala ba talagang momo dito?"Tanong ko habang ngumunguya ng mashmalo.

Natatawa naman niya akong tiningnan at bumuntong hininga.

"Walang momo dito, okay? If there's one..maybe it's me."Aniya at akma akong pupugpogin ng halik nang kaagad akong umatras.



Napakunot naman ang kanyang noo ng gawin ko yun. Aswang si Boss Travis? pero bakit pogi siya? kasi ang pagkakaalam ko sa aswang pangit tapos mahaba ang kuko tapos may sungay sa bibig tapos..ah basta pangit sila. Pogi naman si Boss Travis tapos may masels pa siya sa tiyan.


"May problema ba?"Nagtataka niyang tanong.

Lumapit naman ako at ni-kiss siya sa pisnge na ikinangiti niya ng malawak.

"Ay lab yow po."Nakangiti kong turan na ikinatigil niya.

Yumakap naman ako sa kanya at isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya. Humiwalay na ako sa pagyakap sa kanya ng hindi ko naramdaman ang pagyakap niya sa'kin pabalik. Kumain ulit ako ng mashmalo at hadog habang pinagmamasdan ang ang malaking buwan na nagbibigay liwanag sa paligid.



____



Naalimpungatan lang ako ng maramdaman ang mahinang pagtapik ni Boss Travis sa pisnge ko. Iminulat ko naman ang aking mata at bumungad sakin ang nakangiting si Boss Travis. Ni-kiss niya muna ako sa tungki ng ilong ko bago inalalayang makatayo sa maliit naming pom, pinasok pala ako ni Boss Travis dito sa loob ng makatulog ako sa dibdib niya kagabi.




Pinagsandukan naman niya ako ng pagkain at sinalinan ng tubig sa puti kong baso, nagpasalamat naman ako na ikinatango niya lang.Nagsimula na kaming kumain at tanging tunog lang ng kutsara ko ang maririnig kasi nagkamay si Boss Travis. Ang pogi talaga ni Boss Travis tingnan ngayon kasi nakataas yung isa niyang paa tapos wala pa siyang suot na damit pang-itaas. Kita ko tuloy yung masels niya sa tiyan, hihihi.


"Ako ba ang balak mong kainin o yang pagkain mo?"Tanong ni Boss Travis habang hindi ako nililingon.


Kaagad naman akong sumubo ng pagkain nang hindi siya sinasagot.Narinig ko naman ang mahina niyang tawa habang naiiling, inubos ko na yung pagkain ko at uminom ng tubig.Pinagmasdan ko lang kumain si Boss Travis ng matapos ako, mukha kasing sarap na sarap si Boss Travis sa kinakain niya. Binigyan ko naman siya ng tubig nang masamid siya sa kinakain niya.


"Dahan-dahan lang po, Boss Travis. Wala naman po kayong kaagaw."Aniko ng kunin niya yung basong sinalinan ko ng tubig.

"Wala nga ba?"

Makahulugan niyang tanong na hindi ko naman maintindihan. Umiling na lang siya at kumain ulit.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now