33

793 47 10
                                    

IMANG POV

Umagang-umaga umiinit kagad ang ulo ko dahil sa babaeng yun. Sino ba siya sa akala niya? Kapal namg mukha niya na sabihan ako nang ganon, kung tutuusin nga mas welcome pa ako dito kaysa sa kanya. Sa lamig na lang ng pakikitungo ni Sir Travis sa kanya e.

"Ano na namang problema mo babae?"Salubong ni Bebang sakin.

"Wala."

Bwesit!

Maayos lang naman akong nagtatrabaho dito tapos ganon pa yung matatanggap ko, at sa kanya pa talaga ha. Naku! kung hindi lang talaga ako nakapag timpi sa Trisha na yun, nasampal ko na yun namg kaliwa't kanan.

"Anong wala? sa itsura mo pa lang kataka-takang wala lang yan."Pangungulit nito.

"Kahit sabihin ko sayo kung bakit. Alam ko naman na hindi mo ako papanigan."Pagmamaktol ko habang hindi pa rin ma-ipinta ang mukha ko dahil sa inis.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito. Sabay pinagtuturo ako nito habang naiiling.

"Si Ma'am Trisha na naman ba 'no? Ano ba kasing ginawa mo?"Anito na kinalingon ko sa kanya.

Napaismid naman ako. Sa tono pa lang ng pananalita niya parang ako pa yung sinisisi niya kung bakit ako naiinis ngayon. Ito yung pinaka-ayaw ko sa kanya, kapag talaga umiral yung pagiging sipsipira niya wala talagang kaibi-kaibigan.

"Wala. Magdidilig lang ako ng halaman. Ikaw nang bahala kay Ma'am Trina at kay Austin."Paalam ko dito. Akmang magsasalita pa sana siya nang binilisan ko ang lakad ko palabas.

Bumuga muna ako nang hangin mula sa mabango kong bunganga bago tinungo ang hardin. Ayoko kasing nagpupunta sa hardin nang wala sa mood. Pakiramdam ko kasi parang nahahawa sila sakin sa pagiging lalanta. Sino ba naman kasi ang hindi masisira ang araw kung ganon ang bungad sayo nong kapatid ng amo mo, hindi ba't nakakaasar? syempre hindi mo alam nagbabasa ka lang ng kwento e.

Naisipan ko munang tanggaling lahat ng tuyong dahon at mga patay na mga usbong na halaman. Iba kasi ang init mgayon kumapara dati. Mabilis na silang malanta ngayon kapag hindi sila nadidiligan tuwing umaga. May iba pa namang hardin dito sa mansion pero ito lang ang tanging pinahawak sakin ni Sir Travis.






TRAVIS POV

"It's really true, Kuya. Talagang dyan ko lang siya iniwan kanina."She defended. I pinched my nose.

"Iniwan? You left him without even saying goodbye?"Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko para hindi ako sumabog sa galit.

That's your sister, Travis. Calm down.

"Kuya 'wag ka magagalit ah.."She was starting to tremble "When we arrived, I noticed that someone was looking at the two of us. Hindi ko na lang siya binigyang pansin kasi naisip ko na baka nag-iillusion lang ako, pero nong nagpaalam sakin si Austin na gagamit siya ng comfort room. Doon ako mas lalong kinabahan. Kuya, someone's stalking us."Pagku-kwento niya. Ramdam ko ang kaba at takot miya para kay Austin.

But the fear and nervousness that feels will not help find Austin. Napahilot na lang ako sa aking sintido. Hinarap ko siya.

"I'll call Palistino so he can pick you up here. Kailangan mo munang bumalik sa Mansion, I don't know if you're safe here or not."Hinawakan ko siya sa kanyang balikat para patatagin siya.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now