38

801 47 6
                                    

AUSTIN POV

"Ate Imang, galit ka po ba sa'kin?"

Hindi niya kasi ako pinapansin at kinakausap noong bumaba ako dito para kumain. Ayoko na kasing kumain sa kwarto namin kasi para akong lonely, walang kasama.

Nakipagbati na ako kay Boss Travis kasi nagpromise na siya sa'kin na hindi na niya ako iiwan ulit tsaka sabi niya na kinuha niya ulit si Ate Imang, Ate Bebang, Lola Maring, Lola Nenita, Ate Mayie tapos si Lola Kakay ko at marami pang iba.

Mas malaki itong bahay na nilipatan namin kaysa sa dati tsaka mas marami rin ditong tao lalo na sa labas tapos nakita ko pa ulit si Jag kaya masayang-masaya ako, pero si Ate Imang ko parang galit sa akin.

Masama naman ang tingin sa akin ni Ate Imang, pero agad din napalitan 'yon nang saya.

"Hindi ako galit sayo, nagtatampo lang." Tapos tinalikuran niya ako.

Ngumuso naman ako. "Huwag ka na po magalit sa'kin Ate Imang, mag watch na lang po tayo ng Dora de Exprorer po."

Nagulat naman ako nang hampasin niya ako sa braso habang umiiling ang ulo na natatawa." Exprorer pinagsasasabi mo? It's Exproiler 'yon ang tamang pagbigkas."At muli siyang humaglpak ng tawa.

Aw, mali pala ako hehe

"Sige na po Ate Imang, manood na po tayo..please. "Pagmamakaawa ko sa kanya habang hinihigit yung uniform niya.

Tinapik niya naman ang kamay ko at dinilatan ako ng mata." Sa isang kondisyon. Papayag ako na manood tayo, pero sa isang kondisyon."

Nakanguso ko naman siyang tiningnan.

"Ano po 'yon, Ate Imang?" Tanong ko.

Ngumisi naman siya at hinawakan ako sa braso. Tiningnan niya muna ang paligid kung may tao ba o wala. Binalik niya naman ang tingin sa'kin nang makumpirma na wala.

"Austin. W..wala na kasing phone si Ate Imang mo." Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at pinisil 'yon." May pera ka ba diyan? Pautang naman muna ako oh. Hindi pa kasi sumesweldo si Ate Imang mo." Pagmamakaawa niya.

Huminga naman ako ng malalim at tinapik-tapik siya sa balikat.

"Okay lang po 'yan Ate Imang, parehas naman po tayo na walang pera pero kung kailangan niyo po ng pera magpapaalam po ako kay Boss Travis na bigyan po kayo ng pera para may pambili na po kayo ng phone niyo." Lumiwanag naman yung mukha niya.

"Talaga?" Tanong niya habang nanlalaki ang mata at nakataas ang dalawang kilay.

Tumango naman ako. "Opo, pero sa isang kondisyon po."

Napangiwi naman siya. "Oh siya sige, ano ba 'yang kondisyonis mo?"

Ngumiti lang naman ako. "Basta po sasamahan niyo po ako manood ng Dora de Exproiler."

Natawa naman siya nang mahina at ginulo ang buhok ko.

"Oo ba! 'yon lang ba?" Aniya na parang may gusto pa akong hilingin ulit.

"Me--"

"Ehem."

Napalingon naman kami ni Ate Imang sa may likod niya nang may tumikhin doon. Napangiti naman ako at dali-daling lumapit sa kanya. Binigyan niya naman ako ng kiss sa pisnge at bahagyang pinisil 'yon.

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now