1

4.5K 144 9
                                    

AUSTIN POV

"Apo. Bumagon ka na riyan at tayo'y kakain na."sigaw ni Lola ko.

Gising na mana ako kanina pa, hindi lang ako lumabas dahil gusto ko pa matulog. Lumabas na 'ko ng kwarto ko at tumungo sa kusina. Naabutan ko naman ang Lolo na nagkakape habang sinasaw-saw ang tinapay doon.

"Tinanghali ka yata ng gising ngayon, Apo. Napasarap ba ang tulog mo?"tanong niya.


Lumapit ako sa kanya at kay Lola para magmano. Lagi ko naman naririnig sa kanila ang "Kawaan ka ng diyos". Sabi ng Lola "Kaawaan." daw yun pero mas madali kasi yung Kawaan e kaya yun na lang.

Pinagtimpla naman ako ng Lola ng paborito kong kape yung puro, masarap kasi tsaka nagigising yung mga tulog kong masels tsaka dugo. Ako lang umiinom nito kasi bawal silang dalawa nito, nagiging magulatin kasi silang parehas.



"Apo.."tawag sa'kin ng Lola.

"Bakit po?"

Sumimsim muna siya ng marcafe niya bago nagsalita ulit.

"Pupunta ngayon ng bukid ang Lolo mo. Sasama ka sa kanya dahil may pupuntahan ako ngayon AT hindi ka pwedeng sumama."napanguso naman ako.

"Bakit bawal po, Lola?"

Nagkatinginan naman silang dalawa.Tinawag naman ako ni Lolo.


"Apo. 'Wag ng maraming tanong. Diba gusto mo namang pumunta ng bukid dahil makikita mo roon ang Kuya Jekjek mo. Ayaw mo ba siya makita?"umiling naman ako.



"Gusto po. Sige na nga po sasama na po ako sayo Lolo."tinapik-tapik naman niya ang ulo ko at pinisil ang pisnge ko.



__



"Mag-iingat ka po Lola!"sigaw ko ng paalis na kami ni Lolo.


Tumango naman siya at kumaway. Kumaway-kaway din ako pabalik. Inaya na ako ng Lolo. Lalakarin lang namin ang bukid kasi hindi naman yun kalayuan tsaka sanay naman ako maglakad. May nasalubong naman kaming mga bata habang naglalaro sila. Gusto ko man sumali pero hindi ako papayagan ng Lolo.



Dumiretso na lang ako sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang bukid namin. Umupo muna ako sa bangko tsaka nagpakawala ng mabigat ng hininga. Napahagik-ik naman si Lolo at tinapik ako sa balikat ko.


"Juskong bata ka oh.."reklamo nito.



"Uminom ka muna ng tubig at tumalikod ka, ilalagay ko itong panyo sa likod mo."sumunod naman ako.



Pinagmasdan ko naman ang magandang tanawin at hindi ko inaasahan na mahahagip ng mata ko si Kuya Jekjek. Dito siya nakatingin sa pwesto namin ng Lolo. Napangiti naman ako ng kumaway ito sa'kin at mukhang lalapit sa pwesto namin.



"Lolo. Si Kuya Jekjek po paparito."paalam ko kay Lolo habang na kay Kuya Jekjek ang tingin.


"Oh Mang Kanor, naririto pala kayo."bumaling naman ang tingin niya sa'kin."Hello, Austin."


Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now