10

1.8K 77 3
                                    

AUSTIN POV

Nagising akong walang Boss Travis na bumungad sa'kin. Saan kaya siya pumunta? Nandito pa naman siya kanina tsaka tinulungan niya pa nga ako do'n sa may tumaas na pagitan ng hita ko. Naisipan ko munang bumaba dahil medyo nakakaramdam ako ng uhaw. Naabutan ko naman si Yaya Bebang sa may sala na  nanonood ng palabas.

"Ohh..Austin. Bakit lumabas ka kaagad?Maayos na ba pakiramdam mo?"Aligaga niyang tanong.


Inalalayan niya naman akong umupo sa bangko na malambot. Dinampi niya naman yung likod ng palad niya sa noo ko.


"Mainit ka pa ah."Nihawakan ko naman yung kamay niya.

"Yaya Bebang, alam mo po ba kung nasaan si Boss Travis?"Nakanguso kong tanong.


Umiling naman siya."Hindi ko alam, Austin e basta na lang siya umalis kanina, wala naman siyang sinabi kung saan siya pupunta."


Bagsak naman ang balikat kong napatango. Napalingon naman ako kay Yaya Imang ng tumikhim ito. Inilapag naman niya sa misa yung pagkain at umupo siya sa tabi ko.

"Pero inihabilin ka naman sa'min na ipagluto ka ng sopas."Nakangiti niyang sabi.

"Talaga po?"Paninigurado ko.

Tumango-tango naman siya."Kaya kainin mo na yan bago pa lumamig."


Tumango-tango naman ako at kinuha ko na ang kusara at sumandok para tikman kung anong lasa ng hopas niya. Hindi pa kasi ako nakakakain nito. Nilingon naman ako nina Yaya Imang at Yaya Bebang nang matikman ko na yung hopas.Magsasalita na sana ako nang may nagsalita sa likod ko.

"Ikaw pala 'yan Austin-Hijo, Kumusta pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ulo mo?"tanong nito ng makalapit siya sa puwesto ko.


Nilingon ko naman si Yaya Imang at nagtago sa likod niya. Napahagik-ik naman siya. Naiiling namang napatingin sa akin si Yaya Bebang habang yung matandang babae naman ay nagtataka.

"Manah, 'wag ka kasing sumusulpot nalang bigla natatakot tuloy sa'yo si Austin."Pamumuna niya.

Hinarap naman ako ni Yaya Imang at nginitian."Bumalik ka na sa pagkain mo hindi naman nangangain ng tao 'yan, nangangatay lang."

Mas lalo naman akong nagtago sa likod niya at hindi ko tiningnan ang pagmumukha no'n. Nagtaka naman ako ng humagalpak ng tawa si Yaya Imang, pero ilang minuto lang ay narinig ko ang pagdaing nito. Tiningnan ko naman si Yaya Imang kung anong nangyayari sa kanya. Nakita ko naman si Yaya Bebang na kinukurot siya sa tagiliran.

"Puro ka talaga kalokohan. Umayos ka nga Imang, mas lalo mo lang tinatakot yung bata sa pinaggagawa mo e"Panenermon ni Yaya Bebang.

"Kailangan talaga mangurot? Nagbibiro lang naman ako."

Muli niya akong hinarap."Labas ka na dyan. Ipapakilala ko sa'yo ang pinakamaganda at pinakamatanda sa aming lahat. Si Manah Kakay."


Nilingon ko naman yun ng ituro niya. Binalik ko naman ang tingin sa kanya, tumango naman siya at malawak na ngumiti.

"Hello, Austin. 'Huwag kang matakot sa'kin hindi naman ako masamang tao---"

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now