~PROLOGUE~

489 8 4
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








Magtatakip-silim na nang sundan ko sila. Masayang nagtatawanan habang magkahawak ang kamay, animo'y hindi mapipigtas nino man.

Kanina pa ako hindi mapakali. Naiinis ako nang walang dahilan.

Sinundan ko si matheo, at tama nga ang hinala ko. Siya nanaman ang kasama niya.

May masamang pakiramdam ako sa kaniya, kaya naisipan kong sundan sila.

Marahan lang ang paglakad ko dahil alam kong makakalikha ako ng mga kaluskos dahil sa tuyong dahon na lumalagitnit pa sa t'wing maaapakan ko.

"Malayo pa ba ang bahay n'yo?" Rinig kong saad ni Matheo.

Ngumiti ang babae at sinabing, "Malapit na."

Hindi ko namalayan at naapakan ko ang mga tumpok na dahon dahilan para makalikha nang ingay ako.

Shit! Nahuli na!

Mabilis akong tumago sa isang malaking puno. At pigil hininga ang tanging nagawa ko. Nararamdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko sa tuwing makakalikha ako ng ingay.

"Narinig mo 'yon?"

"Ang alin?"

"May narinig akong kumaluskos."

"Perhaps it's just a cat?"

"Tara na nga. Mag gagabi na kasi, baka nga pusa lang 'yo- AHHH!"

Jusko! Si Matheo 'yon! Napatakip ako ng aking bibig. Naririnig ko ang nakaririnding palahaw ni Matheo!

"'Wag! Maawa ka-AHHHH!"

Isa nanamang malakas na palahaw ang aking narinig mula kila Matheo. Anong nangyayari sa kanila?

Dahan-dahan akong sumilip mula sa pagkakatago ko, laking gulat ko nang makita ng nagsisilakihan kong mata ang ginagawa ng babae kay Matheo.

Pinagpupukpok ito ng malaking bato sa ulo ni Matheo at halos madurog na ang bungo nito! Kitang-kita ko pa kung paano at gaano karaming bumulwak na dugo ang nagsilabasan sa kanyang ulo.

Napasinghap ako at napahagulhol sa aking nakita. Napatakip ako ng bibig at marahang umiling-iling. Jusko!

Nasilayan ko ang babaeng abot hanggang tenga ang ngiti at tila ba nasisisyahan sa tuwing ito'y nakakarinig ng lumalagatok na mga buto. Narungisan na rin ang kanyang maputing balat dahil sa malapot na dugong nagmula kay Matheo.

Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung saan kakapit ng lakas para makaalis sa lugar na ito. Kaylangan kong makaalis dito, kaylangan kong masumbong ang ginawa niya kay Matheo!

Dahan-dahan akong humakbang, kapagkuwan ay hindi ko ito nilingon at nagpatuloy sa paglalakad ng marahan upang hindi makagawa ng ingay.

Sa pagbilang ko ng lima, tatakbo ako nang mabilis.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

"Saan ka pupunta?"

"Ahhhhhh!"

Huli na upang makapalag pa ako dahil nahawakan na niya ang aking buhok. Sinubukan kong kumawala ngunit balewala pa rin!

"Bitiwan mo 'ko! Isa kang baliw! Baliw! Baliw!" Halos nakapikit na ang aking mata dahil ayukong makita ang kanyang mukhang puno ng dugo ni Matheo.

"At sa tingin mo makakatakas ka?" Humalakhak ito na tila isang baliw.

"Bakit mo pinatay si Matheo! Bakit?!"

Namalayan ko na lang na pinagpupukpok niya na rin ang aking ulo gamit ang hawak niyang bato.

Tila namanhid na ang aking buong katawan dahil sa sakit at hilo na aking naramdaman.

"Pakiusap... A-ayuko pang mamatay... Parang-awa mo na!"

Sinubukan kong manlaban, ngunit ang lahat ng iyon ay balewala lang dahil tila doble ang lakas niya kaysa sa akin.

Bago pa ako mawalan ng ulirat, narinig ko pa itong sumalita.

"I'm your ruthless killer bitch!"

Tuluyan na akong napahandusay sa malamig na lupa at nawalan ng ulirat.



*BLACKCOFFEEPOISON*

I'm your ruthless killer!Where stories live. Discover now