Disclaimer & Prologue

11.7K 176 4
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

@queen_yeliah

_

_

_

𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #1: 𝐋𝐀𝐍𝐂𝐄𝐑 𝐀𝐂𝐄 𝐋𝐔𝐗𝐄𝐑𝐎𝐔𝐙

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #1: 𝐋𝐀𝐍𝐂𝐄𝐑 𝐀𝐂𝐄 𝐋𝐔𝐗𝐄𝐑𝐎𝐔𝐙

Prologue

KATHLEA AZARIAH POV:

Maraming napaka swerteng mga tao na nabuhay sa mayamang pamilya. Nakatira sila sa magagandang mansion at mayroon silang mga branded na sasakyan. May mga koleksyon din sila ng mga alahas at mamahaling damit. Nabibili nila lahat ng gusto nila at lahat ng pangangailangan nila. Samantalang yung mga mahihirap ay walang pera at at kailangang mag trabaho para lang may makain. Minsan nga ay wala pang makuhang trabaho ang mahihirap dahil hindi sila tinatanggap. Maraming mga pulubi ang walang makain at walang tirahan.

Maaga akong nagising dahil ngayon na ang araw na hinihintay namin. Ngayon na kase ang unang araw ng pasukan ng bunso kong kapatid na si Kevin sa pangarap niyang University. Sobrang proud na proud ako sa kaniya dahil nagawa niyang makapasok sa isa sa mga sikat na Unibersidad dito sa Pilipinas. Aminado akong hindi ko natapos ang aking pag aaral dahil sa kahirapan pero handa akong gawin lahat makapag tapos lang ng pag aaral si Kevin.

Kasalukuyan akong nagluluto ng sinangag, itlog at tuyo ngayon nang lumabas ang kapatid ko galing sa kwarto niya. Mukang kakagising niya lang at inaantok pa ito. Nag aral nanaman siguro siya kagabi.

"Magandang umaga ate" pag bati niya sa akin sabay upo sa upuan. Agad akong inilapag ang pagkain sa harapan niya at umupo sa tapat niya.

"Magandang umaga din Kevin. Kumain kana at baka malate kapa sa unang araw ng pasukan niyo" agad naman siyang tumango bilang pag responde at nagsimula na kaming magdasal bago magsalo sa mainit na pagkaing nasa harapan naming dalawa.

16 years old palang ako ng mamatay ang mga magulang namin at simula non ako na ang nag aalaga kay Kevin. Tumigil ako sa pag aaral noong ako ay 18 taong gulang para makapag trabaho at may maipakain kay Kevin. Nakatira kami sa Squater dito sa Manila. Mahirap man ang buhay pero kakayanin para sa natitirang miyembro ng pamilya ko.

"Ate sigurado kabang kailangan kopa mag aral? Pwede naman kitang tulungang magtrabaho eh." Hay, bumalik nanaman kami sa usapang ito. Palagi niya nalang akong kinukulit na mag tatrabaho nalang daw siya kesa mag aral.

Hiding The Luxerouz Heir (𝙃𝙀𝙄𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon