Chapter 7 - (Jealousy)

3K 105 1
                                    

"Ma'am Leanna kitang kita napo buong katawan ko dito. Hindi poba pwedeng mag t-shirt nalang ako." pagrereklamo ko habang abot ng abot si Ma'am Leanna nang iba't ibang swimsuit. Puro two piece kase yung inaabot niya sa akin. Ang dami daming tao sa beach eh, nahihiya ako.


"Hay nako Kathlea just wear them. Remember my brother made you jealous, it's time for him to taste his own medicine. Now go wear this Black two piece." Oo nga naman may kahalikan si Sir kanina dapat lang na pagselosin siya. Kaya wala akong nagawa kung hindi suotin yung binigay niya. Agad akong pumasok sa banyo at sinukat yung black two piece. Nang maisuot kona ito agad akong lumabas ng banyo at humarap kay Ma'am Leanna. Namumula ako sa sobrang hiya at hindi maka tingin nang deretso kay Ma'am Leanna.


"Wow perfect. Sabi na nga baga babagay yan sayo eh. Bagay na bagay sa katawan mo pwede ka ng maging model." aniya niya habang inaayos na yung ibang swimsuit. Inabutan ako ni Ma'am Leanna nang oversized t-shirt para pang taklob hanggang wala pa kami sa cottage saka baka daw lamigin ako.


"Malamang nakikipag landian yun sa mga babae don kaya pagselosin mo siya. Ano kayang magiging itsura niya kapag nagseselos." nakangising aniya ni Ma'am Leanna. Lumabas na kami sa hotel at habang naglalakad kami ay nakita naming may kausap nanaman na babae si Sir Lancer. And it looks like they were flirting.

Nilampasan lang namin siya ni Ma'am Leanna at nagtungo na sa beach side. Medyo hapon na ngayon kaya hindi na masyadong mainit. Medyo marami padin ang mga tao pero hindi na ako nahihiya. Dahil sa inis ko ay agad kong hinubad yung t-shirt ko at nagpunta na sa pampang ng dagat. Hindi kona lang inisip si Sir at nagtampisaw kasama si Ma'am Leanna.


Ang daya nga ni Ma'am dahil naka rush guard lang siya samantalang ako ay naka swimsuit. Pinicturan ako ni Ma'am Leanna habang naka upo sa buhangin, lumalangoy sa dagat at siyempre nakatayo na full body. Hindi ako mapakali dahil nararamdaman kong may nakatingin sa akin. Nang mapatingin ako sa gawi ni Sir Lancer masama itong nakatingin sa akin. Medyo natakot ako dahil mas nakakatakot yung tingin niya sa akin ngayon kesa dun sa mga dati.

"Huwag mo siyang tingnan Kathlea. Ignore him and make him jealous. I can't help but laugh because of his jealous face" natatawang aniya ni Ma'am bago ako higitin sa papunta sa medyo malalim na bahagi. Bumalik nalang ako sa pagsasaya at iniwasang tingnan si Sir Lancer. Maya maya lang ay nakaramdam ako nang uhaw kaya agad akong nagpa alam kay Ma'am Leanna at nagtungo na sa cottage. Wala na sina Tita Emily at Tito Lewis sa cottage nung makarating ako doon. Bumalik na siguro sila sa Hotel, medyo dumami din kase yung tao kanina. Baka magkagulo kapag nalaman nilang nandito yung Presidente.

Habang naglalagay ako ng juice sa baso naramdaman kong may presensya sa likod ko. Nang mapatingin ako sa taong yun lumakas ang tibok ng puso ko dahil si Sir Lancer yun. As usual masama nanaman ang tingin niya sa akin. Lagi nalang siyang nakasimangot, pasalamat siya bumagay sa muka niya yung pagsimangot niya. Kahit laging galit ang gwapo niya parin.

"Wear a t-shirt." maikli at malamig na saad niya. Luhh problema mo Sir?

"Ayoko nga Sir. Bagay nga sa akin eh." pagtanggi ko. Hindi naman masagwang tingnan sa akin eh, hindi naman pangit at mataba yung katawan ko.

"Just do what I want!!" malakas na sigaw niya. Nabitawan ko yung baso na hawak ko dahil sa takot. Bakit ba siya nagagalit? Wala naman akong ginagawang masama. Agad kong pinulot yung mga basag na baso at itinapon sa basurahan.


Nilampasan kona lang siya at nagtungo kung nasaan si Ma'am Leanna. Paulit ulit na pumapasok sa utak ko si Sir Lancer. Bakit kaya siya nagagalit? Hindi kaya nagseselos siya dahil maraming nakatingin sa akin? Hindi ko naman siya pinakielaman nung may kasama siyang babae kanina ah? May pa halik halik pa siya kanina sa akin nung may kasama akong lalaki tapos makikipag landian sa iba.


Hiding The Luxerouz Heir (𝙃𝙀𝙄𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon