Pagkatapos ng halos apat na oras na biyahe, sa wakas nakarating na kami sa Palawan. Buong biyahe ako kinakabhaan dahil baka masira yung eroplano. Oh diba over thinker ako.. Pagbaba namin sa eroplano may sumalubong sa amin sobrang daming bodyguard pa punta sa Hotel
"Okay kalang Kathlea?" nag aalalang tanong ni Ma'am Leanna habang nagpupunas ako ng pawis. Nakalimutan kong may phobia nga pala ako ng heights.
"Okay lang po Ma'am." aniya ko bago magsimulang maglakad. Kasabay kong naglalakad si Sir hanggang sa makarating kami sa loob ng Hotel.
"Good Evening Mr President." pagbati nilang lahat bago yumuko.
"Good Evening din. I assume that you already prepare our room here in this Hotel. Sobrang haba ng biyahe namin, maari naba kaming magpahinga." Hindi ako makapaniwalang ganito tratuhin ni Mr Luxerouz ang mga tao. Sobrang bait niya. Hindi siya katulad nung ibang mga naging Presidente na sobrang sungit.
"Yes Sir we already prepared the rooms you need. Please follow us." saad nung may ari ng Hotel bago kami sumakay sa Elevator. Sobrang laki at sobrang ganda naman ng Hotel na ito.
"So this is the first room. Sino poba sa inyo ang gagamit ng kwartong toh." the Hotel owner said before opening the door. Sobrang lawak, may isang kama, malaking TV, jacuzzi at kitang kita mo ang dagat sa kwartong ito.
"This room is for Lancer and his girlfriend. Take care of your girlfriend Lancer we're going to the next room." aniya ni Tita Emily bago lumabas ng kwarto. Kaming dalawa ni Sir Lancer ang matutulog dito?? Ibig sabihin magkalapit kaming dalawa??
"Why do i have to share a room with you. I don't want to sleep besides you. Go sleep on the floor." Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi ni Sir Lancer. Parang gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya. Kung alam molang kung ano ang ginawa mo sa akin nung nakaraan. Hayss agad kong kinuha yung suitcase ko at dinala ito sa living room. Kasya naman ako dito sa sofa kaya dito nalang ako matutulog.
"Dito nalang po ako matutulog Sir. Good night." malungkot na saad ko habang siya ay nag ce-cellphone padin. Baka tinitingnan niya padin yung picture nung ex niya. Aaminin ko sobrang ganda nung ex niya para nga itong model eh. Wala akong laban dun, isa lang naman akong personal maid. Tinanggal kona lang yung heels na suot ko at hindi na nagpalit ng damit.
Sobrang lamig dito pero no choice ako. Ayaw ni Sir Lancer na makatabi ako. Agad akong humiga at ipinikit kona ang mga mata ko.
_____
Nagising ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto namin. Ano ba yan inaantok pa yung tao eh. Tsaka bakit hindi pa binubuksan ni Sir yung pinto hindi paba siya gising??? Akmang tatayo na sana ako ng maramdaman kong may nakayakap sa akin?? At dito kolang napansin na wala na pala ako sa sofa, NANDITO AKO NGAYON SA KAMA NI SIR HABANG NAKAYAKAP SIYA SA AKIN??? Pinipilit kong tanggalin yung kamay niya pero napaka higpit nang yakap niya.
"Don't mind them Kathlea just sleep. I'm still sleepy." aniya ni Sir bago ako higitin at yakapin. Teka tinawag niya yung pangalan ko? Alam niyang hindi ako yung ex niya? Namula ako dahil sa sinabi niya, wala naman akong nagawa kung hindi humiga nalang ulit.
Mahimbing na natutulog si Sir Lancer habang naka baon yung ulo niya sa dibdib ko. Magugustuhan mo kaya ako Sir? Tinititigan kopa si Sir Lancer nang biglang umakyat sa kama si Lavery. Agad itong lumapit sa tabi ko at nahiga. Bibitawan kona sana yung ulo ni Sir nang bigla niya itong hinawakan.
"I told you I'm still sleepy. Huwag kana munang umalis."aniya ni Sir habang mas lalo pang hinigpitan yung pagkakayakap sa akin. Sir naiipit na ako baka gusto mona akong bitawan, saad ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Hiding The Luxerouz Heir (𝙃𝙀𝙄𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1)
RomanceKathlea Azariah Rosales is a simple, kind, hardworking, and loving person. At the age of 20, she already had four jobs. In the morning she sells fish in the market, in the afternoon she works in a cafeteria and in a restaurant, and at night she work...