Chapter 9 - (Unexpected Visit)

2.8K 91 3
                                    

Gumising ng maaga at magluto ng pagkain ni Sir Lancer, yang ang palagi kong ginagawa tuwing umaga. Kasalukuyan akong nagsasangag ng bahaw na kanin kagabi ng bigla akong nakarinig ng katok mula sa pintuan. May bisita si Sir Lancer? Agad kong hininaan yung apoy ng niluluto ko at nagtungo sa pinto. Nagulat ako ng makita kong si Tita Emily lang ito at yung walo niyang bodyguards. Wait si Tita Emily?? Paano nato? Hindi pa ako nakakapag linis ng bahay. Alam ba ni Sir Lancer ang tungkol dito?



"Good Morning Ija namiss namin kayo ni Tito Lewis mo kaya napagpasyahan kong dito kami matutulog for five days. Btw where's Lancer? Is he still asleep?" sunod sunod na tanong ni Tita Emily habang ako ay kinakabahan. Madumi pa ang bahay saka anong gagawin ko? Tsaka nandito pa yung babaeng inuwi ni Sir Lancer.


"Good Morning din po Tita Emily. Maupo muna po kayo sa Couch gigisingin kolang po si Lancer." saad ko bago dali daling nagtungo sa kwarto ni Sir Lancer. Payapang itong natutulog habang yakap yakap yung binili kong stuffed toys sa Boracay. Napangiti ako dahil sobrang gwapo at napaka cute niya. Nagyaka naman ako dahil wala na yung babae niyang kasama kagabi. Umalis na siya kanina? Nabalik ako sa wisyo ng bigla akong higitin ni Sir Lancer at niyakap.


"Sir ano ba bitawan mo ako, hindi ako yung EX GIRLFRIEND mo." saad ko habang pilit kumakalas sa pagkakayakap sa akin. Pero ayaw ba naman akong bitawan.


"Hmm." ungot niya bago mas lalong hinigpitan.


"Sir nadito po Si Tita Emily gumising na kayo. Hindi ko alam ang gagawin." pag gigising ko sa kaniya and finally iminulat niya na din yung mga mata niya.



"What nadito si Mom? Bakit? Anong dahilan?" Sa mga oras na yun parehas na naming nililinis yung kwarto niya dahil baka biglang pumasok si Tita Emily at mahuli kaming dalawa.


"Dito daw sila ni Tito Lewis sta-stay ng five days. Anong gagawin natin Sir? Aminin naba natin sa kanila na walang namamagitan sa atin?" tanong ko na nagpa kunot ng noo niya. Galit siya?


"We can't do that. Let's just pretend again." aniya niya bago kami lumabas. Nang makalabas kami nakita naming nakangisi si Tita Emily habang nakatingin sa amin?


"So bakit parang antagal niyong dalawa? Nang hingi paba si Lancer ng good morning kiss bago bumangon?" pang aasar ni Tita Emily. Sasagot na sana ako para sabihing hindi ganun ang nangyari ng unahan ako ni Sir Lancer.


"Siyempre naman Mom it's our everyday routine right baby? Give me another kiss." Nagdadalawang isip pa ko nung una pero agad ko naman itong hinalikan dahil baka makahalata si Tita Emily. Agad naman niya akong nginitian bago halikan sa labi. Hinalikan niya ako? Hindi, pagpapanggap lang lahat ng ito Kathlea. Huwag kang papadala diyan sa lalaking yan. Masasaktan kalang. Saad ko sa isip ko bago tumugon sa halik niya.



Mga thirty seconds din ang itinagal ng halikan namin bago ko maalala na nasa harapan nga pala namin si Tita Emily. Agad akong bumitaw sa halikan namin at nahihiyang tumingin kay Tita Emily na nakangiti lang sa aming dalawa.


"Why did you break our kisses?" nakabusangot na tanong niya.


"Nasa harapan natin si Tita Emily."


"Napaka sweet niyo talagang dalawa. Wala paba kayong balak magpakasal?" tanong ni Tita Emily. Magpakasal? Hindi nga ho kami totoong mag kasintahan niyang anak niyo eh. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko ng si Sir Lancer nalang ang sumagot.



"Mom isn't it too early for us. We want to enjoy each other's company for now. Maybe soon we'll get married and have baby. But for now I'm still her baby." he said and pouted. He's so cute, wait no no no!


Hiding The Luxerouz Heir (𝙃𝙀𝙄𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon