Chapter 21 - (Sweet Moments)

1.3K 19 4
                                    

IT'S BEEN a month since he proposed to me, pero napapangiti pa rin talaga ako tuwing naiisip ko ang mga pangyayari nung gabing 'yon. Lakas loob niya akong pinakilala sa buong mundo kaya naman masasabi kong ako na ang pinaka masayang babae sa mundo. Nabalitaan nga rin pala ni Kevin ang tungkol sa engagement namin at tuwang tuwa siya para sa aming dalawa ni Lancer.

Kasalukuyan akong nakaupo habang nanonood ng movie. Pagkatapos nga pala ng birthday ni Lancer ay kumuha na siya ng maids namin dito sa mansion niya dahil ayaw niya raw na mahirapan ako. Sobrang ganda ng singsing na ibinigay niya sa akin. Minsan nga ay umaabot na sa punto na ayaw ko na itong suotin kapag naalis ako dahil baka manakaw lang. Saka muntik na akong himatayin noon nung nalaman ko 'yong presyo ng singsing na ito.

"Still admiring it?" tanong ni Lancer bago niya hinalikan ang kamay ko.

"Siyempre naman. Sobrang ganda kase." nakangiting aniya bago ko hinawakan ang pisnge niya at hinalikan ito.

"Maraming Salamat Lancer." pagpapasalamat ko sa kaniya.

"Para saan mahal?" nagtatakang tanong niya.

"Para sa pagmamahal mo at dito sa napakagandang singsing." saad ko dahilan para mapangiti siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ako sa gwapong lalaking 'to. Parang noon lang ay inis na inis pa ako sa kaniya dahil sa sobrang sungit niya, pero ngayon ay magiging asawa ko na siya.

"Always welcome mahal." nakangiting saad niya bago niya ako mahigpit na niyakap at hinalikan sa noo.

"Handa akong iparamdam sa'yo na espesyal ka araw araw. Mahal na mahal kita." aniya dahilan para kiligin naman ako. Grabe naman itong fiance ko. Grabe na magpakilig.

"Mahal rin kita Lancer." pabalik na saad ko naman. Nabigla ako ng halikan niya ako sa labi bago niya ibinalik ang tingin sa pinapanood namin.

_

MALAPIT na mag ala una ng madaling pero wala pa rin si Lancer. Kinailangan niyang mag over time ngayon dahil sa dami ng meetings niya. Naiintindihan ko naman ito pero nanatili talaga akong gising dahil gusto ko siyang salubungin pag uwi niya dito sa mansion.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang hinihimas ko si Lavery. Nanganak na nga pala ang pusang ito at ang gaganda ng kuting niya. Gusto ipamigay ni Lancer ang mga kuting na ito pero hindi ako pumayag dahil kawawa naman sila kapag nawalay sila sa Mama cat nila. Saka sigurado akong malulungkot si Lavery kapag nawala ang mga anak niya.

Habang nakaupo ako dito ay bigla kong narinig na may busina. Kaagad ko namang inilapag sa sofa si Lavery para buksan ang pinto at salubungin si Lancer.

Nang buksan ko ang pinto ay nabigla na lang ako ng yakapin niya kaagad ako. He look very tired kaya naman niyakap ko rin siya pabalik.

"B-Bakit Lancer? May problema ba?" tanong ko pero umiling lang siya habang nakayakap pa rin sa akin. We stayed in that position for almost 5 minutes bago siya bumitaw sa may yakapan namin at hinalikan niya ako sa labi.

"I'm so tired baby." aniya bago siya muling yumakap sa akin.

"Kinain mo ba 'yong dinala kong pagkain mo kaninang lunch?" tanong ko bago isinarado 'yong pinto habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"Yes baby. Naiwan ko sa office 'yong baunan pero naubos ko 'yon. Iba nga 'yong tingin ni Zach doon sa pagkain ko kanina, balak pa ata akong agawan." nakangusong saad niya. Ay talaga naman itong lalaking 'to, hindi namimigay.

"May food pa ba tayo ngayon dyan? I'm so hungry baby. Hindi ako nagkaroon ng oras para kumain ng dinner dahil dire-diretso ang meeting ko from 12:30 PM to 11:30 PM." aniya dahilan para mag alala ako. Lagpas sampung oras na kase siyang hindi kumakain, baka magkaroon siya ng ulcer kapag hindi pa siya nakakain ngayon. Kaya kaagad ko siyang hinila papasok ng kusina at pinaupo sa may upuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hiding The Luxerouz Heir (𝙃𝙀𝙄𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon