KATHLEA AZARIAH POV:
"Good Afternoon Ma'am ano po order niyo??" nakangiting tanong ko dun sa costumer na kakadating lang. Kasalukuyan akong nasa pangatlong trabaho ko ngayon, sa Leanna's Restaurant. Nagtatrabaho ako dito bilang isang waitress.
"I'll have this roasted chicken and steak." she said and smile at me. Agad naman akong nagpunta sa kusina para ibigay sa kanila yung order ng mga costumer.
"Azariah si Ella na muna ang mag se-served at kukuha ng mga order sa mga table. Diba may lulutuin kapa na ipapatikim mo sa aming lahat ngayon." saad ni Mrs. Aquino/ Manager namin. Nung nakaraang araw kasi nagluto ako sa bahay ng Kare-Kare. Pinatikim ko sa kanila yun at nagustuhan nila kaya ngayon pinagluluto nila ako ng Kare-Kare.
Sinimulan ko nang pakuluan yung baboy na gagamitin ko habang nag hihiwa na ako ng pechay, puso ng saging, talong sitaw at baka. Nang maluto na ito agad ko na silang tinawag dahil oras na din ng Break namin ngayon.
"Sisss sobrang sarap mo talaga magluto." ani ni Selen ( katrabaho ko) habang tumitikim-tikim..
"Oo nga sobrang sarap. Pwede ka nang mag asawa Azariah." aniya naman ni Mrs Aquino. Grabe naman!!. Asawa agad??.
"Jasmine, Jastine at Ella halina kayo dito kumain muna kayo." Binigyan kona din si Manong guard at si Kuyang janitor ng niluto ko para makakain na din sila. Masaya pa kaming nagkakainan ng biglang may pumasok sa Restaurant at nagsalita.
"Hmmm ang bango naman. Ano yung niluto niyo??" tanong ni Ma'am Leanna (May ari ng Restaurant) ng makapasok siya sa loob .
"Good Afternoon Ma'am Leanna." bati naming lahat at nginitian niya lang kami bago umupo sa isang table.
"Ano yung naaamoy kong mabango. May nagluto ba ng Kare-Kare dito??" tanong niya kaya agad naman akong sumagot..
"Opo nagluto po ako ng Kare-Kare." nakangiting aniya ko.
"Talaga?. Sakto favorite dish ko yun. Maari kobang tikman??" Tikman??. Si Miss Leanna Amber na isa Top Class Chef ng buong bansa gusto tikman yung niluto kong pagkain. Agad ko naman siyang pinagsandok at inaabot ko ito sa kaniya. Medyo kinakabahan na excited ako ngayon.
"Eto po." aniya ko nang iabot ko sa kaniya yung niluto ko. Kinakabahan ako dahil baka hindi sumakto sa panlasa niya yung niluto ko o baka hindi niya magustuhan. Tinikman niya naman kaagad yung niluto ko.
"Hmm. Impressive masarap ang pagkakaluto mo Azariah. Malinamnam at hindi siya masyadong matamis at hindi masyadong maalat." puri ni Ma'am Leanna sa niluto kong Kare-Kare. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Isa kasing Top Class Chef si Ma'am Leanna, kaya sobrang natuwa ako nung magustuhan niya yung luto ko.
"Kathlea Azariah Rosales ang pangalan mo diba??" biglaan niyang tanong kaya agad akong napatingin sa kaniya. Hindi ko alam na kilala pala niya ako. Ayy malamang impleyado niya nga pala ako kaya kilala niya ako, haysss Kathlea t*nga t*nga talaga.
"Yes po Ma'am" agad na sagot ko sa kaniya.
"Kaya mobang malinis, maglaba at gumawa ng mga gawaing bahay??" Yun lang ba Ma'am basic na basic lang sa akin yun. Ako ata si Kathlea halos lahat ng gawaing bahay kaya kong gawin.
"Oo naman po Ma'am." mapagmalaki kong sagot sa kaniya.
"Good gusto mo ba ng trabaho. Magiging personal maid kalang ng kapatid ko. 50k kada buwan." ani niya habang patuloy paring kumakain nung niluto ko.
BINABASA MO ANG
Hiding The Luxerouz Heir (𝙃𝙀𝙄𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1)
RomanceKathlea Azariah Rosales is a simple, kind, hardworking, and loving person. At the age of 20, she already had four jobs. In the morning she sells fish in the market, in the afternoon she works in a cafeteria and in a restaurant, and at night she work...