Nandito ako ngayon sa sala naka upo habang kumakain. Hindi parin ako makatayo dahil sa sobrang sakit ng pagkababae ko kaya si Lancer ang nagluto ng mga pagkain. Nung una ay sinabi ko sa kaniya na ako na ang magluluto dahil ang akala ko ay hindi siya marunong magluto pero, mas masarap pa ata siya magluto kesa sa akin eh. Oo nga pala, kapatid siya ng isa sa mga best chef in the whole world. Hindi na dapat ako nagtaka. Mag aalas sais na ng umaga at nandito kami sa sala ni Ma'am Leanna habang nanonood sa Tv. Nanonood kami ng K-drama sa mismong channel. Habang umiinom ako ng juice ay biglang may balita na ang lumabas sa pinapanood namin.
"Magandang umaga po sa ating lahat, ako si Marie Kim Trillano nagbabalita. Just in kaninang 1:00AM ng madaling araw ay nagpost sa Twitter ang nag iisang tagapagmana ng pamilyang Luxerouz o mas kilala na anak ni President Lewis Luxerouz ng picture niya habang hinahalikan ang kamay ng isang babae na cinaptionan niya ng "Only You My Love" Eto naba ang kaniyang bagong girlfriend? Sino nga kaya ang napaka swerteng babae na minamahal ng isang gwapong future politician na tagapagmana ng mga napakalaking business sa buong mundo?" halos maibuga ko yung iniinom kong juice nang marinig ko ang balita. Huwag naman sana mangyari yung nasa isip ko. Ayaw kong tumingin sa TV dahil kinakabahan ako, pero naglakas loob ako at kagaya nga ng naiisip ko. Nakangiti si Lancer sa picture habang hawak hawak yung kamay ko. Alam kong kamay ko iyon dahil dun sa sing sing na ibinigay niya sa akin.
"Maramimg netizen ang na curious kung sino ba talaga ang mysterious girlfriend ni Lancer Ace Luxerouz. Marami sa kanila ang nag comment tinatanong kung sino ang lucky girl. Nagulat ang mga netizen ng mag reply si Lancer at sinabing makikilala daw nating lahat ang mysterious girlfriend niya sa mismong birthday niya na gaganapin sa Luxerouz Villa, December 31, 10:00 Pm to January 1, 6:00Am. Marami nang mga reporter ang nag iintay sa pangyayaring ito, pati ako ay na eexcite na. Dito na nagtatapos ang ating morning chika. Magandang umaga muli at have a nice day." huling saad nung reporter habang ako ay hindi parin makapaniwala sa aking napanood. Napansin kong napangisi si Ma'am Leanna sa aking reaction. Bakit naman kailangan pang ipost ni Lancer yung kamay ko. Magsasalita na sana ako nang may magsalita mula sa aking likuran.
"Kaka post kolang nun kanina ah. Ang bilis naman nasa balita agad." nakangising saad ni Lancer na basang basa ang buhok habang naka white t-shirt at simpleng short. Mukang kakaligo niya palang at sobrang gwapo niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian niya lang ako.
"Why baby? Malalaman at malalaman din naman nila yun sa birthday ko, kaya para ma excited na sila. Saka napagpasyahan kong after ng Christmas ay mag hi-hire na ako ng mga maids natin. Ayaw kong mapagod ka saka para mas marami yung oras mo makipag cuddle sa akin kesa mag linis. You're always busy kaya mag kakaroon na tayo ng maid soon." aniya niya bago halikan yung pisnge ko.
"Lancer, i got a text from Mom. She said na sa Mansion nila tayo kakain ng Noche Buena mamaya. She told me us to come around 4:00 PM." saad ni Ma'am Leanna habang nag ce-cellphone. Teka December 24 na ngayon?! Parang ambilis naman. O nakalimutan kolang dahil kay Lancer. Hindi ko alam kung makakasama ako dahil nangako ako kay Kevin na bibisitahin ko siya mamaya eh.
"Lancer baka hindi ako makasama. Nangako kase ako kay Kevin na pupuntahan ko siya ngayon eh." aniya ko na nagpakunot ng noo ni Lancer.
"Who's Kevin?! Lalaki moba yun Kathlea?!" malamig na saad ni Lancer. Anong lalaki? Abno ba siya? Kapatid ko si Kevin noh. Heto nanaman siya, nagseselos kahit hindi pa kinikilala yung pinagseselosan. Talaga tong lalaking toh! Sarap kaltukan.
"Anong lalaki? Magseselos ka nanaman ng hindi kinikilala yung tao. Kapatid ko yun Lancer. Lahat nalang pinagseselosan mo!" inis na saad ko bago talikuran siya. Nabigla ako ng bigla niya akong halikan sa labi.
BINABASA MO ANG
Hiding The Luxerouz Heir (𝙃𝙀𝙄𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1)
RomanceKathlea Azariah Rosales is a simple, kind, hardworking, and loving person. At the age of 20, she already had four jobs. In the morning she sells fish in the market, in the afternoon she works in a cafeteria and in a restaurant, and at night she work...