Chapter 19 - (Comeback?)

2.7K 85 16
                                    

“Alam kong narinig mo ang sinabi ko Lancer. Mag hiwalay na tayo.” masakit man pero kailangan na siguro namin itong gawin.  Patuloy lang akong masasaktan kapag nanatili pa ako sa tabi niya. Mahal ko siya pero hindi ko na kaya eh.

“No, please Kathlea listen to me.” pag mamakaawa niya pero hindi ko siya pinakinggan at nilampasan ko siya para mag impake ng mga gamit ko. Nabigla ako ng higitin niya ang kamay ko at mahigpit niya akong niyakap.

“Please Kathlea, don't leave me. I know it's my fault but baby let me explain. Babawi ako sayo promise, please don't leave me.” pagmamakaawa niya sa akin habang ako naman ay nag pupumiglas sa pagkakayakap niya.

“I'm willing to do anything Kathlea. Kahit lumuhod pa ako sa harapan mo gagawin ko, huwag mo lang ako iwan.” hindi ko alam kung maaawa ako sa kaniya o mas lalong maiinis.

“Pakawalan mo na ako Lancer.” pinipilit kong makawala sa pagkakayakap niya pero masyado siyang malakas kaya hindi ako maka wala.

“If you really love me Lancer, let me go.” aniya ko dahilan para mapatigil siya.

“Bakit gusto mo nang umalis Kathlea? Hindi mo na ba ako mahal? Hindi ko naman sinasadyang kalimutan ang birthday mo, please don't leave Kathlea.”nabigla ako ng lumuhod siya sa harapan ko.

“Ano ba yang ginagawa mo Lancer? Tumayo ka nga!” inis na sigaw ko sa kaniya.

“No! Hindi ako tatayo hanggang sa mapatawad mo ako.” pag mamatigas niya. Kung aalis ako ngayon, kailangan kong kuhanin yung mga gamit ko pero mahihirapan akong makatakas kung gagawin ko iyon.

“I'm sorry Lancer pero pagod na ako.” malungkot na saad ko bago ko siya tinalikuran at naglakad na ako papalayo.

“Hindi ko na ba talaga mababago ang desisyon mo Kathlea?” lumuluhang tanong niya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

“Hindi na Lancer. Ngayong wala na ako, maari ka nang makipag balikan sa babaeng tunay mong minamahal.” saad ko at akmang maglalakad na ulit ako ng muli siyang mag salita.

“Paano kung malaman mong ikaw ang tunay na minamahal ko?” mahinang saad niya pero narinig ko ito. Kung sana totoo lang yan hindi kita iiwan. Alam ko namang sinasabi mo lang yan para hindi qko masaktan at umalis.

“Hindi mo na kailangan mag sinungaling Lancer.”

“Hindi ako nag sisinungaling Kathlea. Kung hindi ko na mababago ang desisyon mo, pwede bang sabihin mo sa akin na mahal mo pa rin ako, kahit sa huling pagkakataon Kathlea.” kita ko sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman niya.

“Mahal na mahal kita Lancer.” lumuluhang saad ko baho ako tuluyang naglakad papalabas ng mansion niya. Walang halong pag sisinungaling ang sinabi ko sa kaniya. Mahal na mahal kita Lancer.

_

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung umalis ako sa mansion ni Lancer. Naiwanan ko yung mga gamit ko doon at kasalukuyan akong nakatira sa condo ni Marjorie. Gabi gabi akong umiiyak tuwing naalala ko siya. Tama ba ang naging desisyon ko? Tama bang iniwan ko siya? Paano kung makahanap na agad siya ng ipapalit sa akin?

I miss him so much. Gusto ko na siyang yakapin, halikan, at makasama. Pero mukang imposible na iyon dahil nakipag hiwalay na ako sa kaniya. Napapa isip tuloy ako. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Masaya kaya siya ngayon?

“Malungkot ka nanaman Kathlea. Sabi ko naman kase sayo kausapin mo muna si Lancer pero nakipag hiwalay ka agad. Dapat pinakinggan mo muna yung side niya. Alam kong mahal mo pa rin siya Kathlea, hindi pa huli para makipag usap ka sa kaniya.” biglang saad ni Marjorie nang makapasok siya dito sa kwarto.

Hiding The Luxerouz Heir (𝙃𝙀𝙄𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon