2 weeks have passed at ngayon na ang huling araw namin sa Boracay. Sobrang nag enjoy kaming lahat dito, nag banana boat kami, nag jet ski, bon fire, at sumakay din kami sa yacht. Maayos din ang pakikitungo sa akin nila Tita Emily at Tito Lewis kahit na nung malaman nilang mahirap ako. Kasalukuyan akong nag bibihis ngayon dahil pa uwi na kami. Hayss sa wakas makaka uwi narin, sobra akong napagod sa loob nang dalawang linggo dito. Napagod ako kakagala at saka lagi din akong pinapagod ni Sir Lancer tuwing gabi.
Nang matapos na akong magbihis agad akong lumabas sa banyo at lumapit kay Sir Lancer. Pero for some reasons parang wala siya sa mood.
"Sir may problema ba?" tanong ko sa kaniya habang patuloy padin ang pag ce-cellphone niya. Bakit ang cold niya? May nagawa ba akong mali?
"Tskk. Nothing." malamig na saad niya. Hindi ako naniniwala sa kaniya. Ano kayang problema niya? Tatanungin kona sana siya nang biglang pumasok sa kwarto namin sila Ma'am Leanna at sinabing aalis nadaw kami. Agad naman kaming sumunod ni Sir Lancer at lumabas na sa Hotel. Sumakay na kami sa Private Plane at umalis na.
_
_
Halos tatlong buwan na ang nakakalipas since nung nagpunta kami sa Boracay. Hindi ko alam pero nang makarating na kami sa bahay ni Sir ay parang bumalik na ang lahat sa dati. Palagi na siyang cold sa akin. Noon ngang nasa eroplano kami ay hindi niya ako pinansin kahit isang beses.
Hindi ko naman sinasabi kay Ma'am Leanna ang mga nangyayari dahil ayaw kong mag alala ito. Ang alam niya din kase ay mahal nadin ako ni Sir Lancer.
Alas nuebe na nang gabi ay wala parin si Sir Lancer. Hinihintay ko siya ngayon dahil marami akong tanong sa kaniya. Gusto ko malaman kung bakit nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Maayos naman kami nung huling araw namin sa Boracay eh. Ano kaya ang dahilan bakit naging cold siya sa akin?
Maya maya lang ay narinig ko na yung busina nang sasakyan ni Sir Lancer kaya agad akong nag ayos nang satili at nagtungo sa para pagbuksan siya nang pinto.
Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko siyang may kasamang ibang babae. Bakit may babae siyang kasama? He was holding her waist and they were making out. Napatigil sila sa paghahalikan nang makita nila akong nakatayo sa harapan nila.
"Who is she babe?" tanong nung babae kay Sir Lancer.
"She's just a maid. Don't mind her." seryosong saad ni Sir Lancer bago sila maglakad papasok sa mansion.
Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko bago nila ako lagpasan. Bakit ganun? Bakit ako nasaktan? Wala namang kami diba? Oo nga pala mahal ko siya. Kaso hindi niya ako gusto. Nang malampasan na nila ako agad akong nagtungo sa may pinto at isinarado ito. Agad akong tumakbo papasok sa kwarto ko habang lumuluha. Medyo malapit lang yung kwarto ni Sir Lancer sa maids quarter kaya naririnig ko yung mga ungol nila.
"Ahh~ f*ck Lancer" ungol nung babae. Umiiyak ako habang naririnig ko silang nag eenjoy. Masakit dahil parang nung nakaraan lang ay kaming dalawa yung gumagawa nang ganun. Kaming dalawa yung magkahalikan at kaming dalawa yung magkayakap. Pero kailangan kong tanggapin na pagpapanggap lang ang lahat nang mga yun. Masakit man pero wala talagang namamagitan sa amin. Nagpanggap lang kami dahil sa mga magulang niya. Pero kung makapag selos siya nung nasa Boracay kami ay sobra sobra. Pagpapanggap lang ba lahat ng iyon? Hindi niya ba ako minahal kahit sandali? Sa bagay anak siya ng isang Presidente at mayaman sila samantalang ako ay isa lang katulong na mahirap.
Kinuha ko yung earphones ko at isinuot. Nagpatugtog ako nang malakas para hindi ko sila marinig. Mas lalo lang ako nasasaktan kapag naririnig ko sila. Agad kong ipinikit ang mga mata ko at natulog na.
BINABASA MO ANG
Hiding The Luxerouz Heir (𝙃𝙀𝙄𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1)
RomanceKathlea Azariah Rosales is a simple, kind, hardworking, and loving person. At the age of 20, she already had four jobs. In the morning she sells fish in the market, in the afternoon she works in a cafeteria and in a restaurant, and at night she work...