Chapter 13- (Girl's Night Out)

2.6K 83 11
                                    

Nandito ako ngayon sa opisina ni Sir este Lancer habang naka upo sa swivel chair niya. May meeting kase siya ngayon at nanibago ako dahil isinama niya ako. Eto ang unang beses akong nakapasok sa pinag tatrabahuhan niya. Ngayon kolang din nalaman na may sarili pala siyang company. Ilang linggo na din ang nakalipas nung nag confess siya sa akin at simula nung araw na yun ay lagi na siyang mabait at malambing sa akin. Ayaw niya naman akong iwanan sa mansion dahil baka mag dala daw ako ng lalaki dun. Kung ano ano nalang pumapasok ata sa utak niya.


Kanina pa ako inaantok dahil halos apat na oras na siyang nasa meeting. Dahil sa inip ay napagpasyahan kong lumabas muna para maglibot libot. Hindi naman siguro masamang mag gala sa dito saka hindi naman ako mang gugulo. Agad akong lumabas at saktong break time nung mga bodyguard na nasa labas ng office ni Sir kaya nakatakas ako. Ang una kong pinuntahan ay yung library. Walang masyadong tao kaya umalis nadin ako ka agad.


Habang naglalakad ako sa hallway may nakasalubong akong babae. Nakasimangot ito habang naglalakad at mukang nagmamadali. Hindi kona lang ito pinansin at ipinagpatuloy ang pag lalakad hanggang sa nakabalik na ako sa office ni Sir. Ang boring gusto kona lumabas. Normal ba yung meeting na umaabot ng apat na oras? Kanina pa siya wala eh.


Akmang bubuksan kona yung pinto ng may biglang pumigil sa akin.


"At sino ka para pumasok sa office ni Sir Lancer. Ganiyan kana ba ka desperada para pasukin ang Office ni Sir?" aniya nung babaeng nakasimangot kanina.


"Ahh ehh kanina pa ako nandito sa office ni Lancer. Lumabas lang ako kanina para maglibot. May problema ba?" tanong ko sa kaniya. Bawal ba pumasok sa Office ni Sir?


"Ang kapal naman ng muka mo. Alam kong marami tayong may gusto kay Sir Lancer pero pumila ka naman. Saka sigurado naman akong hindi siya magkakagusto sa babaeng katulad mo. Pati ako ang magiging future girlfriend niya kaya wala ka nang pag asa." medyo nainis ako sa sinabi niya. Bakit ba siya galit? Wala naman akong ginagawa na masama ah. Sasagot na sana ako ng bigla siyang tumawag ng guards.



"Guards palabasin niyo nga itong babaeng toh! Balak atang nakawan yung Office ni Sir Lancer!" sigaw niya at nag datingan na agad yung mga guard.


"Anong problema dito?" tanong nung guard sa kaniya.


"Eto kasing babaeng ito nagbabalak pumasok sa Office ni Sir Lancer. Magnanakaw ata yan palabasin niyo na yan!" sigaw niya bago hatakin yung buhok ko. Anong magnanakaw? Lumabas lang naman ako para maglibot ah? Ano nang gagawin ko? Wala pa naman si Sir Lancer. Agad akong hinawakan nung guard sa kamay at hinihigit papalabas.


"Ano ba bitawan niyo ako. Hindi ako magnanakaw bitiwan niyo ako." sigaw ko habang nag pupumilit na makatakas pero ang lalakas nila. Nagulat ako ng bigla akong sampalin at itulak nung babae. Napadaing ako dahil sa pagkabagsak ko sa sahig. Nahihiya ako dahil andami nang taong nakatingin sa amin.


Nagulat sila nang biglang bumukas yung elevator at iniluwa nun si Sir Lancer.


"What's happening here?" tanong niya. Habang nakatingin sa akin.


"Yan kasing babaeng yan ang kapal ng muka. Nag balak pumasok sa office mo Sir. Mabuti nalang nandoon ako para pigilan siya. Kung wala ako doon baka marami nang ninakaw yang babaeng yan." pagmamalaki nung babae. Nagulat sila nang biglang lumapit sa akin Si Sir Lancer at binuhat ako nito ng pa bridal style.


"First of all hindi magnanakaw ang babaeng ito. She's my GIRLFRIEND. And she's allowed to do what ever she wants here because she's my GIRLFRIEND. How dare you hurt her!" galit na sigaw ni Sir Lancer. Agad ko naman sinabi sa kaniya na okay lang ako at pumasok na kami sa office pero hindi siya nakikinig.



Hiding The Luxerouz Heir (𝙃𝙀𝙄𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon