“Lancer?” pag tawag ko sa pangalan niya habang nakahiga kami ngayon dito sa sofa. Kasalukuyan siyang nakayakap sa akin ngayon.
“Hmm?” aniya habang hinihimas ko ang buhok niya. Hindi na kami natulog dahil ilang oras na lang naman ay kailangan na naming mag handa. Kaya nakahiga na lang kami ngayon dito para mag pahinga.
“H—Hindi mo ba talaga sinadya na kalimutan ang kaarawan ko?” hindi ko alam pero hindi mawala sa isip ko ang pangyayaring iyon. Natatakot ako na baka malaman ko na ang dahilan kaya niya nakalimutan ang birthday ko ay dahil sa may kasama siyang ibang babae.
“Of course not. Why would I forgot your birthday on purpose? Sobrang tambak na tambak ako ng gawain nung araw na iyon kaya nakalimutan ko yon. Kung alam mo lang paiyak na ako nung araw na iyon dahil gusto ko nang bumalik sa mansion natin para mayakap ka.” aniya bago niya ako niyakap ng mahigpit dahilan para mapangiti ako. Hindi niya nga siguro sinadya iyon.
“Another question. Kung hindi ba ako dumating ngayon dito hindi ka talaga lalabas sa kwarto mo?” tanong ko.
“Hindi talaga. Hindi ko talaga kayang mag celebrate nang wala ka. I was devastated nang makipag hiwalay ka sa akin. I felt like my world is going to shattered. The thought of loosing you is making my mind go crazy.” he said sincerely before kissing my cheeks.
“I love you so much Kathlea. Ikaw ang unang babae na minahal ko ng ganito. Hindi ako nabaliw kay Avery ng ganito, sayo lang.” aniya dahilan para matawa ako.
“Don't laugh. I'm serious Kathlea, you made me go crazy about you. Diba nag 22 years old ka na kahapon?” biglaang tanong niya.
“Oo Lancer, bakit mo naitanong?” tanong ko sa kaniya.
“Mag pakasal na tayo sa May. Alam kong limang buwan na lang bago mag May pero gusto na talaga kitang pakasalan. I love you too much na hindi ko na hahayaang makuha ka ng iba sa akin. Sigurado na ako na ikaw ang gusto kong pakasalan at makasama habang buhay.” saad niya dahilan para mapatahimik ako. S—Seryoso? Gusto na niya akong pakasalan? Hindi ba parang masyadong mabilis naman ata iyon?
“S—Sigurado ka ba Lancer?” nauutal na tanong ko sa kaniya bago niya ako nginitian at tumango ito.
“Diba nung tinanong tayo ni Tita Emily sabi mo ayaw mo pang mag pakasal. Bakit parang nag bago ang isip mo?” dagdag ko pa.
“Seryoso ako Kathlea. Pero kung ayaw mo pa, naiintindihan ko naman. Hindi kita pipilitin at handa akong hintayin ang magiging desisyon mo.” nakangiting saad niya bago niya ibinaon ang ulo niya sa aking dibdib. Hindi ko makalimutan ang sinabi niya. Ganon niya ba talaga ako kamahal para pakasalan agad? Dapat bang pumayag na ako? Mahal ko siya pero gusto ko pang i-enjoy ang pag sasama namin bilang magkasintahan.
Ilang minuto pa ang nakalipas habang pinag iisipan ko ang tungkol sa sinabi niya. Oo gusto ko siyang pakasalan dahil siya ang lalaking minamahal ko. Pero baka soon pa dahil marami pa siyang dapat gawin bilang tagapagmana ng pamilya nila. Napaka laki ng responsibilidad niya ngayon lalo na't malapit na siyang maging head ng buong Luxerouz Family.
Napatigil ako sa pag iisip nang marinig kong humihilik na siya. Mukang nakatulog na din siya ngayon sa wakas. Sigurado akong puyat na puyat siya dahil wala daw itong tulog sabi ni Tita Emily. Mag tatanghali pa lang naman ngayon at mamayang 6 ng gabi pa kami mag aayos kaya hinayaan ko na lang siya munang mag pahinga.
Hindi ako makapaniwalang mamahalin ako ng lalaking ito. Napapangiti na lang ako nang maalala ko yung mga nangyari noon sa amin ni Lancer. Palagi pa akong sinusungitan ng lalaking ito noon. Palagi niya rin akong pinag seselos kapag nagdadala siya ng babae noon dito. Pero heto siya ngayon, mahimbing na natutulog habang nakayakap sa akin at gusto niya pa akong pakasalan dahil baka maagaw pa daw ako ng iba.
BINABASA MO ANG
Hiding The Luxerouz Heir (𝙃𝙀𝙄𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1)
RomanceKathlea Azariah Rosales is a simple, kind, hardworking, and loving person. At the age of 20, she already had four jobs. In the morning she sells fish in the market, in the afternoon she works in a cafeteria and in a restaurant, and at night she work...