Jema's POV
After ng birthday ni Ate Ly, mas naging close pa ako sa team lalo na kay Ate Ella. Medyo madaldal na rin ako, dati kasi hindi ako masyadong nakikisali sa usapan nila. Natuto na rin akong makipagbiruan at sumasama pag lumalabas ang team. Malungkot pa rin ako pero kahit papano dahil sa mga teammates at kaibigan ko, napapagaan ang mga dinadala ko sa buhay.
"Je tara hatid na kita" sabi sakin ni ate Ella after ng training namin.
"Nakakahiya naman kay kuya Renz te, palagi na lang ninyo akong hinahatid" sagot ko naman.
"No, hindi naman si kuya magdadrive, ako ang maghahatid sayo" dugtong pa nya.
"Hala totoo te, ikaw na nagdadarive? bago yan ah" natutuwa kong sabi.
"Ou, paano ba naman tinutukso ako nila kuya, para naman daw akong bata na kailangan pa hatid sundo, eh marunong naman daw ako magdrive chaka gusto ko na rin para napupuntahan ko ang mga gusto kong puntahan ng hindi nakadepende sa mga lakad nila" ang sabi ko pa.
Pero ang totoo nyan ngayon lang talaga ako nagka interest magdrive, hindi ko din alam."Wow I'm proud of you te. Lalo akong mahihiya nito, ako ang parang may sariling driver eh. Baka maabuso naman kita. Sabi ko nga magpapractice na talaga ako magdrive para wala ng maabala pa sa akin at para hindi na din ako mahirapan sa mga lakad ko".
"Ano kaba para ka namang iba eh. Hindi bale pag ikaw na marunong magdrive, ako naman ang ipagdrive mo ok?"
"Sige na nga, thank you te ha. Para makabawi ako libre kita ng Starbucks" ang sabi ko.
"No need Je chaka di ako ma starbucks eh"
Sumakay na ako sa sasakyan nya para ihatid.
"So Je, how are you?" panimulang sabi ni ate Ella habang nasa byahe.
"Okay naman te, gaga pa rin hehe at umaasa pero atleast ngayon may karamay na ako na napagsasabihan ko ng mga problema ko na nakakatulong para gumaan gaan ang pakiramdam ko. I owe it to you, thank you talaga" sincere kong pasalamat sa kanya.
"Please don't mention it, as I've said hindi mo na kailangan solohin yan, andito na ako. I'm here for you, anytime, ok" nakasmile naman sya habang sinasabi yon.
Hinawakan nya ang kamay ko habang nakasmile. Nakatingin lang ako sa kamay nya, ang lambot at ang kinis pa.
"Jema, Jema, oi okay ka lang? sabi ni ate Ella. Medyo natulala pala ako at napatitig sa mga kamay nya.
"Ah ou bakit te?" tanong ko naman pabalik.
"Nandito na tayo sa apartment mo"
"Ai hala sorry. Medyo inantok kasi ako kaya nawala sa isip ko" ganon ba ako katagal nakatanga pero parang ang bilis naman ata namin dumating.
"Sige te, maraming salamat ulit ha. Pasok ka muna merienda or pahinga muna" pag-aalok ko sa kanya.
"Hindi na Je, uuwi na rin ako para makapagpahinga kana at makapagpahinga rin ako, babawi ng tulog"
"Sige te ingat sa pagdadarive and thank you as always" sabay beso ko sa kanya.
Pumasok na ako sa apartment ng nag ring ang phone ko.
"Hello, sino po sila?"
"Hello Jema, si Ate Regine mo eto" sagot ng nasa kabilang linya.
"Oi te napatawag ka, bakit may problema bah?"
"Wala naman, tumawag lang ako para sabihin sayo na may meeting tayo bukas with the team. May discussion tayo regarding don sa bagong product. Tomorrow night at 8 pm, sa Li Tzu Dumplings" dagdag ni ate Regz.
"Sige te I'll be there, see you"
"Alright Jema, see you have a nice day, bye"
Pagkababa ni ate Regine ng phone, ewan ko ba parang kinakabahan ako. Makapag wash up na nga at makapagpahinga na at bukas ay maduguang training na naman plus may meeting pa ako kinagabihan. Nakakapagod din pero laban lang Jemalyn, ipahinga mo lang yan tas bukas panibagong araw, panibagong lakas at panibagong pag-asa. Makakaraos ka din sa lahat. Life is beautiful.
The next day ganon pa rin ang set-up namin. After training, hinatid pa rin ako ni ate Ella. Gusto nga nyang sunduin din ako sabay kami pero sobrang nakakahiya na kaya humindi na talaga ako. Mabilis lang naman makakasakay ng taxi sa lugar namin pwera lang ang pauwi.
Kinagabihan, maaga akong nagdinner at pumunta sa venue ng pagmemetingan namin. Wala pa naman sila kaya umorder muna ako ng dumplings. At around 7:45 nasidatingan na isa't- isa ang mga kasama ko sa grupo.
"Hi Jema, good to see you again" sabi ni Glacey, isa sa mga kagrupo namin.
"Hi Glace, good to see you again too, halika kain tayo" pag alok ko sa kanya.
"Sige lang enjoy your meal, we're starting shortly naman, nagpapark lang si ate Regz" dagdag pa nya.
At around 8:10 halos dumating na lahat kaya nagstart na kami. We discussed about don sa new product na ilalabas ng company and our marketing strategies to convince people to try it. I was about to say something ng may biglang nagsalita.
"Hi team, hi friends, sorry I'm late but here I am na"
A familiar voice na nagpahinto sa akin and nagpatulala. Kilalang kilala ko ang boses na yon. Ang boses na matagal tagal ko na ring gustong marinig. Oh God how i miss her so much kahit na two months pa lang kami hindi nagkita.
Jasmine, my Jasmine.
BINABASA MO ANG
You're my Home (Jema and Ella)
RomanceAng sarap magmahal sa taong mamahalin ka rin ng buo na may kasamang respeto, pagpapahalaga at pagtanggap...