Missing Everyone and Jema Is...

1.5K 36 5
                                    

Ella's POV

"Hays ang sarap ng feeling nakapagpahinga ng two weeks bago sumabak sa laban" sabi ko sa sarili ko.
Few days na lang kasi magsisimula na ang season kaya need daw namin mag refresh para full energy sa buong season.
Kamusta na kaya ang team, dalawang linggo ko din sila hindi nakita, kanya kanyang relax at wala talagang nang iistorbo.

Flashback two weeks ago.

Alyssa Calling

"Hello Besh napatawag ka anong meron?" sagot ko.

"Hello besh, inform lang kita na binigyan tayo ng management ng two weeks break bago magstart ang season but we need to promise daw na we will be in full shape and 120% ready. Oh di bah bongga besh makakapag beauty rest tayo bago isabak sa labanan" masayang pagbabalita sakin ni Ly.

"Yes tamang tama besh at hagardo na tayo" dagdag ko pa.

"Ako na ang bahala mag inform sa team, e-GM ko na lang para isang sabi lang. Ikaw lang talaga tinawagan ko kasi alam kong madalas hindi ka nagchecheck ng messages sa cellphone, tamad mo kasi" natatawa nyang sabi.

Back to Present.

At eto nga tapos na ang two weeks rest. Mamaya may meeting kami ng team to talk about everything para sa simula ng season three days from now.
Kamusta na kaya ang mga yon, nakakamiss din. Hindi talaga kami nagkikita kita for two weeks. Minsan tawagan lang pero short conversations lang.
Si Jema kaya kamusta? After what happened hindi ko na din sya nakita at nakausap dahil yon nga nag announce ang management na mag break muna kami. Sinubukan ko naman syang tawagan sa cellphone pero hindi ko naman ma contact. I hope okay lang sya.

Fast Forward.

Afternoon arrives and halos ang buong team ay nasa conference room na ng rebisco building kung saan kami mag memeting. Nagkekwentuhan lang kami ng kung ano2x ng may pumasok na halos hindi namin nakilala.

"Puchang namo, si Jema bah yan?" turo ni Tots sa bagong dating.

"Oh mygadd, spell HOT. Si Jema nga" sabi naman ni Michelle.

Shit, ang ganda nga nya. (Bulong ko sa sarili). New haircut, new hair color plus pa yong trimmed na kilay nakadadag appeal sa new look nya and parang mas pumuti pa sya. Medyo maganda ganda na rin ang aura nya ngayon.

Hindi ko din mapigilan mapahanga sa kanya. Seems like I can't take my eyes off her.

After fanatisizing I mean appreciating her new look, hindi namin namalayan na nakalapit na pala sya sa pwesto namin.

"Hi guys, kamusta? Namiss ko kayong lahat" sabi nya sabay beso isa-isa sa amin.
"Anong nangyari sa inyo bakit ang tatahimik nyo? dagdag pa nya.

"Jema? nasaan si Jema? ilabas mo sya? natatawang sabi ni Pau habang chenecheck ang mukha nya.

"Ou nga Jema hindi ka namin nakilala. For the span of two weeks ang laki na agad ng pinagbago mo" saad naman ni Jia.

"Ang hot at ang ganda mo naman Beshy, parang nababaliko mo na ata ako, goodbye Anghel na to" aktong papogi at pa cute naman ni Kyla habang tuwang tuwa pa sa kalokohan nya.

Nagtawanan na lang kaming lahat sa kakulitan nito.

"Hahah kayo talaga, gusto ko lang ng medyo maiba naman and I feel better about this" sagot naman nya.

Bumaleng at lumapit naman sya sa akin.
"Hi ate, how are you?namiss kita" sabi nya sakin and gave me her best smile.

"Hello, it's good to see you like this Je. Ang ganda mo sobra, I mean lalo kang gumanda" sabi ko sa kanya na puno ng paghanga.

"I owe this all to you te. Nasa process pa rin ako ng healing pero dahil ginising mo ako sa katotohanan at lagi kang nandyan for me, kaya pinupush ko talaga ang sarili. Thank you" sincere nyang sabi while looking intently in my eyes.

After a few,

"Teka teka, excuse us lang ha, grabe naman kayo magtitigan parang matutunaw ang yelo sa inyong dalawa, anong meron?" sabat ni Ly.

Hindi nga namin namalayan na medyo matagal na pala kaming nagtitigan.

"Ah hahah namiss lang namin ang isa't isa, di bah Je. Baby sister ko kasi to" sabay kurot ko kay Jema at kiniliti ko sya. Ginawa ko yon para mapagtakpan ang parang panunukso ni Ly. Namiss ko lang naman talaga sya ng sobra. Napatawa na lang din si Jema sa ginawa ko at bumawi sakin.

"Kayong lahat namiss ko ng sobra sobra ate, kaya isang group hug naman dyan" sabi ni Jema.

"Yes group hug,
and Creamline"- Ced
"Happy" sigaw naming lahat sabay nag group hug.

Nagsimula at natapos ang meeting namin na medyo hindi ata namin naintindihan lahat ng sinabi ng management. Paano bah naman puro bulungan at pasimpleng kulitan tong mga to. Basta ang tumatak lang sa isip namin is to get ready mentally and physically, give our best shot as what we always do, play our hearts out and play happy, pray for guidance and injury free season and of course, try our best to defend our title.

You're my Home (Jema and Ella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon