Amazing Panglao

1.3K 41 6
                                    

Jema's POV

"Welcome to the land of white sand beaches and world class diving sites"

Yon ang nakita namin sa signage as soon as we arrive in one of the most famous beach resorts here in Panglao.

Sobra kaming na amaze sa lugar; fresh air, green trees all around, white sands and crystal blue sea. A paradise indeed.

We settled ourselves in our rooms after checking in. Roommate ko si Kyla. Magpapahinga lang kami sandali at mamaya ay iikutin namin ang buong resort. Susulitin talaga namin ang bakasyon nato.

"Beshy ang ganda dito noh. Next time dadalhin ko dito sila nanay, tatay at mga kapatid ko" sabi ko kay Kyla.

"Ako din beshy tapos siyempre isasama ko ang aking nag- iisang love of my life. Mas masaya of course pag kumpleto ang mga mahal mo sa buhay. Parang ang romantic din kasi ng place nato. Ikaw besh kailan ka magsasama dito ng the one mo? hehe. Ai mali, the right question is kailan ka kaya magiging ready ulit buksan yang puso mo sa iba?" curious na tanong ni Kyla.

"Okay naman na ako Ky in fact hindi ko na nga sya iniisip. Kung may darating na why not, di bah".

"Tama ka Je, pero advice ko lang is huwag na huwag kang pumasok sa isang relasyon kung hindi kapa totally moved on dahil magiging parang rebound lang ang gagawin mo. Make sure na wala kang baggage when you enter on another relationship para hindi ka makasakit ng iba" seryoso nyang sabi sa akin.

"Ang seryoso mo beshy, hindi ako sanay, heheh. Pero seryoso, siyempre naman, ayokong maging unfair at alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan kaya hinding hindi ko gagawin yon" sincere kong sabi.

In the middle of our conversation ay may kumatok sa room kaya napahinto kami at binuksan ko ang pinto.

"Good pm po mam. Delivery po for Miss Jema Galanza" sabi ng resort staff at inilabas ang bouquet of red roses na may kasamang isang maliit na box.
Kinuha ko ang flowers and nag thank you sa kanya. Lumapit naman agad si Kyla pagkakita na may bitbit akong flowers.

"Wow ang ganda. Kay secret admirer na naman ba galing yan? Beshy buksan mo na yang box" excited nyang sabi.

Nagtataka ako kung sino ang nagpadala at kung yong taong laging nagbibigay sa akin ng flowers during our games and practices ang nagbigay nito, paano nya nalaman na nandito ako. Parang bigla akong kinabahan but honestly, I felt a little bet excited and very curious. Mabuksan na nga lang tong box.

Pagbukas ko, nakita ko ang isang half golden heart pendant and may kasamang card. And yes sa penmanship nya na confirm ko na sya nga.

"You hold the other half of my heart and only you can complete it"

P.S If you're ready, please follow the stars. Tomorrow night, I will be waiting.

"Kyaah ang sweet, grabe na talaga yan beshy, super level up na yan, maypa self reveal na" medyo napalakas ang boses ni Kyla habang kinikilig. "Pupuntahan mo ba sya? ready kana bang makilala sya? Basta ako excited for you. May iba din kaya dyan sa smile mo everytime nagbibigay sya ng flowers sa'yo".

"Hindi ko alam besh, bahala na at chaka anong ibig sabihin nito, follow the stars?" nalilito kong sabi sa kanya.

"Huwag kana muna mag isip beshy, trust your instinct and listen to your heart coz it will lead you to where you're supposed to be but for now let's enjoy the vacation. Nag message na sila ate Jia tara na daw at naghihintay na sila" yaya sa akin ni Kyla.

"Yeah you're right, we're here to enjoy so let's go" excited kong sabi.

Inikot namin ang buong resort at nakaka impress talaga ang ganda ng paligid. Ang cool ng mga facilites nila, design and location ng resort plus ang ganda talaga ng dagat.

After namin magsawa sa pamamasyal, we decided to take a break para mag merienda dahil gutom na kami after mag tour. We chose to stay in the beach area kasi ineenjoy talaga namin ang view. While enjoying our foods, may nakita akong someone familiar hindi kalayuan sa pwesto namin. Kumurap kurap ako kung tama ba ang nakita ko pero nawala naman na. Parang si Jasmine yon pero sana namamalikmata lang ako. Sa dinami dami ba naman ng lugar, pati ba naman dito. "Hindi sya yon, medyo hawig lang nya yon, namamalikmata lang ako" pangungumbinse ko sa aking sarili.
I have to enjoy this vacation dahil minsan lang to. Bye muna sa mga negative thoughts and people.

"Swimming time yohoo" sigaw ni Tots habang nagtatakbo papalapit sa amin. Naka pang swimming attire na eto kasama si Pangs. Napansin kong nagsialisan na rin yong iba naming kasamahan at gusto na rin mag swimming. Kami nila Kyla, ate Jia, ate Michelle, ate Rose at ate Riza ang naiwan.

Maya maya nakita namin na papalapit sila ate Ly, Risa at ate Ella sa pwesto namin na naka two piece.

Ang sexy talaga ni ate Ly at Risa, nakita ko na kasi silang mag two piece before sa tagal naming magkasama except for one person na ngayon ko lang nakita with that outfit, it's Ella. Naka shades pa sya.

"Shet she's really hot and mas lalo ata syang gumanda. And her legs ang kinis at ang puti pa nya" napamura ako sa isip ko. Hindi ko maiwasang matulala sa kagandahan at kasexyhan nya.

"Pssst besh, laway mo" hahahah.

"Huh ano, wala ah. Kyla Llana, pinagtitripan mo ako" kunwaring inis ko kay Kyla.

"Natulala kana kaya beshy habang nakatingin kila ate Ly" sabi ni Kyla.
"I mean parang kay ate Ella lang" pabulong nyang sabi at parang nanunukso.

"Omg Ky, siyempre sa kanilang tatlo, ang sesexy kasi ng mga ate natin" medyo defensive kong sagot.

"Sige na, kunwari na lang hindi ko nahuli sa akto yon, parang may something. Oi ate natin yan, huwag mong pagnanasaan, hahah" panunukso pa rin nya at nakurot ko tuloy sya ng slight.

Para akong nahimasmasan sa sinabi ni Kyla. Ganon ba talaga ang reaction ko kay ate Ella. Nitong mga nakaraan, na we weirdohan na din ako sa mga ikinikilos ko pag kasama sya.

You're my Home (Jema and Ella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon