Heart to Heart

1.5K 62 10
                                    

continuation...

"Nakita mo lang kaming magkasama ni Arielle na pinsan ko pa, grabe kana makareact, paano na lang kaya ang naramdaman ko nong makita ko kayo ng EX mong magkayakap pa. Hindi lang basta yakap, matagal na parang kayong dalawa lang ang tao sa mundo. Alam mo bang bumalik lahat ng insecurities ko pagkakita ko sa inyo. Hindi na ako sure kung ako pa rin ba o sya na ulit" umiiyak sya habang nagsasalita.

"Love please, ikaw ang mahal ko, okay. What happened was ---

"Jema please, I'm not sure if I can accept any words or explaination from you now" nasaktan naman ako sa sinabi nyang yon. I need a fair chance to explain my side.

"Atleast naman pakinggan mo ako. Kinomfort ko lang yong tao dahil may pinagdadaanan sya at ---

"Hindi mo sya matiis dahil
mahal mo pa rin sya" pagputol na naman nya sa sinasabi ko.

"Pwede ba patapusin mo naman muna ako please, then you can say anything you want after and whatever your judgement is, tatanggapin ko" medyo naiinis na ako pero nangingibabaw pa rin ang pasensya ko dahil naintindihan ko ang pinaghuhugutan nya ngayon.

"Okay go on" malamig nyang sabi.

"Nag sorry sya for hurting me before and explained to me bakit nya ako nagawang saktan. Na wala syang choice because that was what her family wants and in order for us to be free, kailangan nyang patunayan ang sarili nya sa kanila. She said she still loves me and she wants me back but I refused dahil sabi ko mahal kita and hindi kita kayang saktan" madamdamin kong paliwanag kay Ella.

"Naawa lang ako sa kanya and I felt bad for her kasi hindi din naman pala biro ang pinagdaanan nya just for us to be together ng walang pagtutol from her family kaya ganon na lang din ang pag comfort ko sa kanya dahil kahit papaano ay may maganda din naman kaming pinagsamahan" dagdag ko pa at umaasa na maintindihan nya ang paliwanag ko.

"But hindi yon ang nakikita ko Jema. Maybe deep down in your heart there's still something for her especially ngayong nalaman mo na she sacrificed herself for you to be together. If hindi ba tayo Jema, ganon pa rin kaya ang magiging reaction mo after mong malaman lahat and tatanggihan mo pa rin kaya sya?" makahulugan nyang tanong and parang bigla akong napaisip sa sinabi nyang yon.

"See, there it is. Please Jema, bigyan muna natin ng break ang mga sarili natin and a fair chance to me also. Ayokong kahit sa akin ka, there might still be something in you na iniisip sya na what if hindi nangyari lahat yon at kayo pa rin" naiiyak na sabi nya.

"Are you giving me up after lang sa nakita mo and sa mga sinabi ko sayo ngayon? didn't you heared it clearly na tinanggihan ko sya dahil mahal kita" umiiyak na rin ako dahil sa nakikita at naririnig ko sa kanya ngayon.

"No Jema, of course not. This is me helping you and fighting for us. Gusto kong maging akin ka ng buong buo, na walang ni katiting na Jasmine dyan sa puso mo dahil kahit aminin mo man o hindi, alam kong meron pa rin syang puwang dyan sa puso mo lalo na pagkatapos mong malaman lahat ng ginawa nya para sayo, para sa inyo"

"Is this your way of fighting for us? Love please don't do this. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi ako mawawala Jema. Nandito lang ako palagi maghihintay sayo. Ginagawa ko to dahil mahal na mahal kita. I am willing to sacrifice so much for your sake and isipin mo na lang na para din sa ating dalawa to. Kung kaya nyang mag sacrifice for you, kaya ko din but it doesn't mean na I'm giving you up" pagkatapos nyang sabihin yon, niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan at nagmabilis ng umalis.

Iyak lang ako ng iyak pagkaalis nya at wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa coffee shop.

"Jema ano ba tong ginagawa mo? tama bang pinabayaan mo na lang umalis ng ganon si Ella. Kailangan kong ayusin ang lahat"

Beep Beep...

Jasmine: Hi Jema, gusto ko lang sabihin na thank you so much for last night. For giving me a chance to explain my side and sa pakikinig sa akin. The warmth of your hug gave me hope na baka kahit papano ay may kunti pa akong puwang dyan sa puso mo. Don't worry hindi kita pipilitin coz I'm not the selfish, self-centered Jasmine anymore. You made me a better person Jema. Mahal na mahal kita babe.

"Bakit ganon, bakit nangyayari lahat ng to kung kelan masaya na ako"

Dahil sa sobrang emotion, hindi ko na alam paano mag-isip ng tama. I decided na pumunta sa church to pray and ask for forgiveness sa mga taong nasaktan ko and guidance sa mga desisyong gagawin ko.

Arielle's POV

Nandito kami sa condo ko ngayon nakatambay dahil ayaw pang umuwi ni Ella. Hindi ko alam paano sya kakausapin after sa lahat ng nangyari.
I know the conversation between her and Jema didn't went well dahil kanina nong palabas na sya, kitang kita ko kung paano sya umiyak.

"I gave her some space para malaman nya kung sino talaga sa amin ang mahal nya at dapat nyang piliin" biglang sabi ni Ella and nagkwento na rin sya tungkol sa pinag-usapan nila and the sacrifice she made for Jema.

"What Ella are you insane? Nag explain na nga sayo na tinanggihan yong ex dahil ikaw na ang mahal. Was it that hard to understand?" naiinis kong sabi sa kanya.

"Hindi ako selfish at manhid Yelle, ramdam ko pa rin na may something kaya nga I want to give her time dahil ayokong ipilit ang sarili ko. Gusto kong mahalin nya ako ng buong buo at kung hindi man ako ang pipiliin nya, wala akong magagawa but to give her up para maging masaya lang sya. Ganon ko sya kamahal pero hindi ibig sabihin non ay ginive up ko na sya, binibigyan ko lang sya ng pagkakataon para wala syang pagsisisihan sa mga desisyong gagawin nya" paliwanag pa nya.

"Alam mo Ells, sorry to say this but you're an idiot. Yes, binibigyan mo ng chance yong isa to steal your girl" pang real talk ko sa kanya.

"You know what I have a confession to make" I took a deep breath and continued.
"I like you a lot Ells hindi bilang pinsan but more than that. Dati pa ako may gusto sayo"

"What?" nabigla nyang sabi.

"Please let me continue. I am a bi and hindi ko naman maamin amin sa inyo dahil nahihiya at natatakot akong layuan nyo lalo kana. I don't want that to happen kaya tinago ko na lang till now. Kaya nong nalaman ko na may girlfriend ka, sobra akong na shock and nanghinayang dahil kung sinabi ko pala sayo dati pa, baka sakaling nagkaroon tayo ng chance. But then again baka hindi rin dahil iniisip ko hanggang pinsan lang ang tingin mo sa akin kahit hindi naman tayo totoong magkadugo so why take the risk. You know I could take advantage of you lalo na sa kalagayan mo ngayon pero hindi ko ginawa at hindi gagawin dahil na witness ko kung gaano mo kamahal si Jema, na kahit sino walang magkakachance sayo" huminga muna ako saglit then continued.

"Kung ako sinayang ang pagkakataon dati na wala pang kasiguraduhan, now paba sa situation mo na sayong sayo na at mahal ka. Huwag na huwag mong sasayangin ang pagkakataon Ells dahil minsan lang sa buhay natin ang makatagpo ng totoong pagmamahal" mahaba at madamdamin kong paliwanag sa kanya. Tahimik lang naman syang nakikinig sa akin habang nag-iisip.









Hi again sa lahat!

Gusto ko lang pong magpasalamat ulit sa pagsubaybay at pagsuporta sa first Jella story ko. Malapit na po tayo sa exciting part, few chapters na lang but please expect more story about Jema and Ella. Again thank you much, your votes and comments means a lot to me...




You're my Home (Jema and Ella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon