Brave for You

1.4K 42 5
                                    

Back to Present

Alyssa's POV

"Good evening po tita, tito, ate Jov and Mafe. Thank you so much po sa pag accept ng invitation namin tonight. Alam ko po nagtataka kayo bakit nandito kami at hindi kasama si Jema. May mahalaga lang po sana kaming sasabihin" panimula kong sabi.

"No problem anak, malaki ang tiwala at paghanga ni Jema sayo kaya ganon din kami. Maraming salamat sa imbitasyon mo. Mukhang importante nga yang sasabihin nyo, ano ba yon?"

"Let's have a dinner muna po tito, tita" sabi ko sa kanila.

All throughout our dinner, tahimik lang si Ella halatang kinakabahan but the determination on her face is visible. After dinner kinalabit ko sya dahil na frozen na ata sa kinauupuan nya.

"Besh, it's now or never" sabi ko sa kanya.

"Yes besh, bumubwelo lang. Actually I don't know how to start pero hahayaan ko na lang ang puso ko ang magsalita. Maraming salamat talaga besh"

"Ella, anak okay ka lang bah? para ka kasing namumutla" tanong ng tatay ni Jema kay Ella, napansin siguro nya na hindi mapakali si besh at kinakabahan.

"Ah yes po sir okay lang po. Kukunin ko na po ang opportunity na to para po sana makausap kayo" panimula nito.

"Ano ba yon anak? huwag kang kabahan makikinig kami" ang sabi naman ni tita Fe.

"Sir, Mam, Ate Jov, Mafe, first of all gusto kong mag thank you ulit for accepting our invitation and pasensya na po if this is an inconvenient time and way for you para dito. I know how you wanted to spend time with Jema. Thank you po talaga and thanks also sa bestfriend ko for arranging this and of course to Kyla. Gusto ko pong maging formal ang lahat and give my highest respect to you po as Jema's family and ask for your permission and blessing" She paused for few seconds then continue. "I want to make Jema happy again because I'm inlove with Jema" matapang at taos pusong sabi ni Ella.

Nabigla ang lahat except me sa declaration of love ni Ella at si Kyla ay napaubo pa pero wala naman akong nakitang violent reaction kanino man sa kanila. They are listening intently to Ella and waiting for her to continue.

"Alam ko pong masakit yong pinagdaanan nya sa past relationship nya but babawiin ko po lahat ng sakit na yon by trying my best to make her happy again and making sure na hindi na po mangyayari yon. Hindi ko po alam kung ready na sya, kung kailan sya magiging ready or kung may pag-asa ba na mahalin din nya ako but I'm willing to wait and take the risk. For now gusto ko lang pong hingin ang permiso ninyo na mahalin ang anak at kapatid nyo without expecting a return" pagpapatuloy ni Ella.

"Una sa lahat, saludo ako sa tapang mo anak at sa ginawa mong eto, ang hingin ang permiso at basbas namin. Nakikita kong malinis ang intention mo sa anak ko dahil kung hindi, hindi ka haharap sa amin at matapang na aminin ang nararamdaman mo sa kanya. Ngayon lang may gumawa sa kanya ng ganito kaya masaya ako at pakiusap tawagin mo na lang akong tito" sabi ni tito Jess kay Ella at nakikita ko ang saya at aliwalas sa mukha ng tatay ni Jema.

Lumapit naman ang mama ni Jema at yumakap sa kay Ella "Salamat sa pagmamahal at pagpahalaga sa anak namin. Basta kung saan at sino ang magpapasaya sa kanya don kami. Chaka tita na lang din iha please" masaya nyang sabi.

"Hi Ella, sana maibabalik ni Jema sa'yo ang pagmamahal mo. Palagi ka nyang naikekwento sa akin, ang bait mo sa kanya. Maraming salamat" ang sabi naman ni ate Jovi.

"Welcome in advance sa family namin ate. Botong boto ako sa'yo" tuwang-tuwa namang sabi ni Mafe.

"Ate Ella, langya inlove ka kay beshy. Sheeyyt hindi ko inexpect yon" sabi ni Kyla sabay nahampas pa si Ella pero kinikilig naman.

Sa totoo lang naiiyak ako for my bestfriend and sobrang nakakaproud. Imagine first time nya to but kita mo talaga yong dedication at pagmamahal nya.

"Natamaan ako big time Ky eh, heheh. Nasa kanya na kasi lahat kaya siguro nahulog ako. Please huwag mo muna to sabihin sa mga teammates and friends natin ha especially Jema kasi siyempre ako magsasabi non. Liligawan ko pa yon" natatawang sabi ni Ella.

She face again Jema's family,

"Maraming salamat po sir ay tito, tita, ate Jov and Mafe. Maipapangako ko lang ay mamahalin at rerespetuhin ko si Jema ng buong puso. Maibalik man nya o hindi ang pagmamahal na yon, palagi pa rin akong nandito for her at walang magbabago" taos puso pa nyang sabi sa kanila.

"Ate e level up mo lang ang charm mo, mabibitag mo din yon" -Mafe

At nagtatawanan na lang kaming lahat sa sinabi ni Mafe. After ng seryosong usapan, nagiging light na ang atmosphere. Nagkekwentuhan na lang kami ng kung ano-ano at na discover ko na funny din pala ang family ni Jema

"Besh, thank you again. Isa na lang ang kulang, si Jema na lang at kumpleto na ang buhay ko" Naluluha na naman nyang sabi sa akin.

"Pagpray natin yan ha. But as your bestfriend maipapayo ko lang, kung ano man ang mangyayari ihanda mo lang ang sarili mo sa lahat, dahil hindi naman lahat happy ending. Ayoko lang masaktan ka besh. Ngayon lang nakita ng ganito. Ibang- iba talaga" payo ko sa kanya.

"Yes besh, I'll put that in mind"

After ng magandang kwentuhan, nag decide na kaming umuwi. Bitin pa sana ang kwentuhan kaso uuwi pa ng Laguna ang family ni Jema.

Pagkahatid namin sa kanila sa sasakyan, lumapit si Kyla sa amin.

"Ate Ella, grabe talaga nabigla ako sa revelation mo. Baka meron pa dyan sabihin mo na lahat" natatawa nyang sabi.

"Pero sobrang bilib ako sayo, ang tapang mong humarap sa family ni Jema para hingin ang blessing nila. First time may gumawa sa kanya ng ganon. Sobrang mahal ni besh ang pamilya nya kaya malaking bagay ang approval nila. Sa'yo na talaga ako" dagdag pa nya na punong puno ng paghanga.

"Ky sobrang deserving naman kasi ni Jema, maliit na bagay lang to. She's worthy of everything. And by the way bakit mo nasabi na sa'yo na?"

"Kasi te siyempre marami syang manliligaw but pinaka bet ko before your revelation siyempre team Ella na ako now heheh. Bet ko kasi yong secret admirer nya na palaging nagbibigay ng flowers during our trainings and games. Ang sweet kasi chaka napapa smile nya si Jema by those simple things na ginagawa nya. At kahit hindi pa nya eto nakikilala, may impact na sa kanya. Tama si Mafe, e level up mo na ang charm at panliligaw mo" natatawang sabi ni Kyla.

"Thank you very much sa tip and sa support mo Ky. Yes I'll do anything for her" -Ella

Papasok na kami ni besh sa kotse ng napahinto sya at bumaling ulit kay Kyla.

"And by the way Ky, the sunflower, tulips, roses, astilbe etc., all came from me.

"Ako ang secret admirer ni Jema"




You're my Home (Jema and Ella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon