Training facility.
Simula nong may nagbigay sa akin ng flowers, every game and kahit minsan sa practice namin may nagpapadala rin. Iba't ibang flowers ang binibigay kasi sabi sa card hindi daw nya alam ang favorite ko kaya iba-iba na lang daw. Natawa na lang ako sa message na yon and ang nakakatuwa pa is kada flowers may quote sya tungkol don.
Tulad nong nagbigay sya ng tulips, ang nakalagay sa card is "Tulip blooms only during spring season, but you bloom all seasons"
Then another one yong white rose, "White rose, don't mind the thorns, but its fragrant and sweetness in small dose. You may only see my shadow, please don't mind but these small things shall give your heart a mark"
"Psst" tawag at kalabit sa akin ni ate Ella.
"Palagi ko ng nakikita ang smile na yan chaka palagi ko din napapansin na may flowers lagi during our games and even sa practice, someone is having a good day. I'm so glad to see you smiling again Je. Ikaw na ulit si Ms. Blooming heheh" panunukso nya sa akin."Naku wala ate, natutuwa lang kasi ako sa mga nababasa ko. Nakaka inspire din naman. Atleast now I can say na hindi na ako nakakulong sa nakaraan, something is making me smile and my mind is at peace now. I'm slowly getting where I'm supposed to be" -me
"I'm so happy for you, basta Je kung ano or sino man tong bagong nagpapasmile sa'yo, hinay hinay lang. You have to fully heal, love yourself more and be wiser this time. Don't be on a rush, everything will settle in God's perfect time" pagreremind nya sa akin.
"Yes ate, I will never forget that. Thanks for always reminding me" I genuinely smiled at her.
She smiled back at me, tapped me in my back and then umalis na at bumalik sa ginagawa nyang work out.
Bumalik na din ako sa ginagawa kong work out, nag bench press ako to make me stronger and medicine ball toss to help me build more strength.After our training and work out.
"Guys mag starbucks naman tayo after nito, papalamig lang, masyado na kasing intense ang trainings and games natin nakakainit ng kalamnan" suggestions ni Tots at natawa naman kami lahat sa sinabi nya.
"Sige sige game basta libre mo ha, ikaw nagyaya eh" sagot naman ni Kyla.
"Aba aba sabi ko mag starbucks tayo pero hindi ko sinabi manglilibre ako, ang kuripot mo talaga Kyla Llana Atienza, mahilig sa libre" iiling-iling at natatawang sabi ni Tots.
Nakasimangot naman si Kyla.
"Okay game, ako na manglilibre sayo beshy, totoo naman kuripot ka talaga. hahah" dagdag tukso ko naman.
"Sige tara na, sa may Portal Greenfield District na lang tayo para mas malapit" suggestion naman ni Ced. Doon na lang tayo mag kita-kita since may mga dala naman tayong sasakyan. Let's go". dagdag pa nya.
At umalis na nga kami papunta sa Star Bucks. Pagdating don, nakita ko na agad yong iba kong teammates. Kanya kanya na silang order at nag order na rin ako.
I ordered one vanilla latte, my favorite. After ko makuha ang inorder ko, dahan-dahan ako naglalakad going to our table ng may nabangga ako, sa steps ko kasi ako nakatingin.
"Oh shiittt" bigla kong nasabi dahil natapon ang inorder kong coffee.
Mabuti na lang at hindi natapunan ang damit ko.
"Oh sorry sorry Miss hindi ko sinasadya, hindi kita napansin paano kasi ---- Jema? Oh shit I'm so sorry" biglang sabi ng nakabangga ko.
"Jasmine?" ang sabi ko lang dahil nabigla din ako ng nakita ko na sya pala yong nakabanggaan ko. Tinitigan ko sya at pinakiramdaman ko ang sarili ko pero why I feel na parang okay lang. Medyo affected pa rin ako sa presence nya pa'no bah naman ang ganda nya pero hindi na ganun kalakas parang na aapreciate ko na lang yong beauty nya. Hindi na rin kumakabog kabog ang dibdib ko.
"Wow what a coincidence. I'm so glad to see you and favorite mo pa rin pala ang favorite natin. I'm really sorry, oorder na lang ako ng bago for you" paghingi nya ng pasensya at pag offer sa akin.
"Huh ah eto naman kasi favorite ko ever since, even before we met. I mean yeah nagkataon lang same tayo and please don't do that, ako na oorder for myself kasalanan ko din naman bakit natapon yong coffee" pagtanggi ko sa alok kanya.
"No please Jema I insist kahit ngayon lang" -Jasmine
"No Jasmine, I insist too kahit ngayon lang din" pakiusap ko at nagmadali na akong bumalik sa counter at umorder ulit para hindi na nya ako kukulitin pa. After umorder nagmadali na akong sumali sa grupo namin.
"Psst Jema, sino yong kausap mo kanina? ang ganda at ang lagkit ng tinginan nyo ah. Akala nga namin may shooting, ganda ng eksena eh, may pa tapon-tapon pa ng coffee hahah" tanong at pangungulit ni Tots.
"Huh wala yon, kakilala ko lang matagal ko na kasing hindi nakita. Nabigla lang kami pareho at ngayon lang kami nagkita ulit" pagsawalang bahala ko sa tanong ni Tots, para kasing nanunukso.
"Jasmine, the great Jasmine Fernandez, the EX" pambubuking ni Kyla sa sakin.
"Kyla" medyo naiinis kong sagot.
"Naku beshy dapat lang nila makilala ang taong nanakit sayo ng husto para pag nakita nila next time, makutusan nila. hahah" natatawa pang dagdag ni Kyla.
Nakatingin ako sa table nila Jas and nakatingin din pala sya sakin.
"Ang ganda nga naman kasi kaya pala ang hirap maka move on ng kaibigan natin" naiiling na sabi naman ni Ced.
"Mahal mo pa? medyo malamyang tanong ni ate Ella sa akin. "Iba yong tinginan eh parang tumagos" seryosong tanong nya pa sakin.
Hindi na nya hinintay pa ang sagot ko dahil nag excuse na sya para mag cr.
"Anyare don? kanina napakakulit at maingay ngayon biglang seryoso" pagtatakang tanong ni ate Pau.
to be continued...
BINABASA MO ANG
You're my Home (Jema and Ella)
RomanceAng sarap magmahal sa taong mamahalin ka rin ng buo na may kasamang respeto, pagpapahalaga at pagtanggap...