I Get To Know You, I'm Here For You

1.6K 41 0
                                    

Naka upo na kami pareho si Jema sa gilid ng kama ni Ly.

"Alam mo te, masaya pala minsan nating tinatakasan ang totoong buhay kahit sandali lang. Yong hindi puro trainings lang at disiplina sa lifestyle. Yong kakainin mo lahat ng gusto mong kainin, iinumin ang gusto mong inumin. Yong hindi mo kailangang matulog ng maaga at gumising ng five am para mag training" panimula nyang kwento.

"Ou nga eh. Deserve naman natin lahat to kasi sa dami din naman ng sinasakripisyo natin para sa pinili nating landas nato sa buhay. Hindi naman pwedeng puro seryoso na lang palagi, yong parang iikot na yong buhay natin dito dahil we have a life outside volleyball"

"Mga bata pa tayo Je lalo kana, you have a very long way to go and and a very bright future. Nakikita ko kung gaano ka ka dedicated sa mga ginagawa mo. You put your 100% effort sa mga ginagawa mo pero Je, hindi lang volleyball ang buhay natin, we also need to give quality time sa ibang bagay at ibang tao like our family, friends or anyone special. Walang mali sa pagiging very hard working but don't forget also to enjoy and try to live your life to the fullest. Iisa lang ang buhay natin, e enjoy and gawin na natin yong mga gusto nating gawin" dagdag ko pa.

"Eto kasing volleyball ang nagpapasaya sakin bukod siyempre sa family and kayo mga kaibigan ko te. And yong quality time na sinasabi mo, ginawa ko na yan to someone. Kahit mahirap ang mundo na ginagalawan natin plus may iba pa akong ginagawa para makatulong sa pamilya ko, I made sure na naibibigay ko yon sa taong mahalaga sa akin kahit gaano kahirap at gaano ka hectic ng schedule natin. Pero wala, kulang pala. Alam mo yong ginawa mo naman lahat pero kulang. Kung gaano mo sya kagustong makasama parang sya hindi ka naman gustong makasama" panimula nyang kwento sakin. Ramdam ko ang kalungkutan sa mga mata nya.

"Are you talking about someone special sa buhay mo? sorry to ask ha" tanong ko sa kanya.

"Ou te and please huwag kang mag sorry. Siguro need ko lang to ilabas kasi sa iba kong friends lalo na sa family ko hindi ko to nailalabas. Ayoko kasing malulungkot at mag-aalala sila sakin ar chaka ang mga friends ko kasi mga busy din sila, may kanya kanya ng buhay. Pasensya kana te ha"

"No Je, please continue. Para sana kahit sa ganitong paraan man lang, gumaan gaan ang bigat ng dinadala mo. Kahit hindi mo sinasabi sa amin at pilit itago, nakikita ko sa mga mata mo na may pinagdadaan kang mabigat. Eyes don't lie" dagdag ko pa.

"Thank you te. Amm about her, the person I love, mabuti syang tao at pinaramdaman naman nya sakin na mahal nya ako. Dati sobrang saya namin, may sarili kaming mundo at hindi mo kami mapag hiwalay, sa practice man, sa mga lakad ng friends nya at friends ko, palagi syang present. Pati sa mga games ko at kung hindi man sya nakaka attend, lagi nya akong chenecheck and made sure bumabawi sya after.
Until nalaman ng family nya about us nong nagbakasyon sya sa kanila one time. Yong mama at mga kapatid naman nya wala namang ibang sinasabi kumbaga tahimik lang sila no comment except sa papa nya, na against sa relationship namin, sa ganito. He wants us to break up but she refused, she tried naman to fight for us pero sa katagalan parang nag iiba na sya. Palagi syang busy sa kung ano man and hindi na sya sumasama sa mga practices and games ko pati pag lumalabas sya with friends, hindi na ako sinasama. Nakakalimutan na rin nya ang mga special occasion sa buhay namin but inintindi ko naman sya. Hindi ako nagtanong o nagalit. Slowly parang lumalayo sya sakin but still hindi ako nagreklamo, tinanggap ko kung ano lang ang binibigay nya sakin, kahit katiting na oras sobrang happy na ako don" umiiyak na sya habang nagkekwento, hinahaplos haplos ko naman ang likod nya.

"Ganon ang naging situation namin for almost a year but never a word na may narinig sya sakin. Kahit ang sakit sakit na, na para ba akong isang kandila na unti unting nauupos yet I was still hoping na bumalik kami sa dati. I was waiting until nong one time may game kami then natalo kami non tas may slight injury pa ako, hindi nya ako binisita, kinamusta o kahit kinausap man lang. Tawag ako ng tawag sa kanya even sa mga friends nya pero wala, wala akong Jas na nakausap at walang Jasmine na nagpakita sakin. Sobrang down na down ako non, wala akong makausap man lang. Nahihiya din kasi ako sa mga teammates natin and mga friends ko.
Then a week after, bigla syang nagparamdam sakin at alam mo yong happiness ko, sobra, parang in one click nakalimutan ko agad yong mga nangyari and I was willing to forget everything at maging okay ulit kami. Pero nagparamdam lang naman pala sya sakin just to say, mag li-low muna kami, pressured daw kasi sya masyado sa lahat and she needs to breath in. Hindi ako pumayag te, I couldn't let her go, hindi ko kaya. Ganun ko sya kamahal until now eto ako, umaasa at naghahabol pa rin sa kanya kahit ang sakit sakit na. Durog na durog na to oh (sabay turo sa puso nya), pero sya lang ang makakaayos nito" iyak na iyak na sya habang nagkekwento.
Niyakap ko sya ng mahigpit para kahit papaano mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman nya.

"I'm so sorry Je. Sobrang bigat pala ng pinagdaanan mo. Iiyak mo lang yan ha, I'm here ok. I'm not only your teammate but your friend. Wala ka man makausap at mapagsabihan noon, andito na ako now, I'm willing to listen without judging. You deserve only happiness not this misery. Hindi ko sya kilala pero sana ma realize nya how precious you are, a gem na kailangan ingatan at mamahalin, always remember that" comforting and sincere words na sabi ko sa kanya.

"Maraming salamat te. Maraming salamat dahil medyo gumaan ang pakiramdam ko matapos kong mailabas ang matagal ko ng pinaka tago-tago na nararamdaman. Ang gaan ng loob ko sayo. Hindi ako ma share na tao but with you I felt secured, na nararamdaman ko yong hindi ka e- ja judge kahit gaano ka kagaga, heheh" naiiyak pa rin pro medyo natatawa na nyang sabi.

"Kaya thank you talaga.
Sana nga maging masaya na ulit ako. Umaasa pa rin ako na bumalik sya at bumalik kami sa dati. Wala eh martyr ako kahit pinagtatabuyan na pinipilit pa rin ang sarili"

"Tama na yan Je ha. Basta always remember how beautiful you are. And anyone would be very lucky to have you. You are the most genuine, authentic person I've ever met"

"Tama na yan ha, tamo nabawasan ng .02% ang kagandahan mo sige ka hindi kana si Ms. Blooming nyan heheh" medyo niloloko ko sya ng kunti para mapasmile ko naman sya kahit papano.

"Kaw talaga te. Thank you talaga ha, as in. Tonight I know I found a true friend" very sincere nyang sabi.

"Hala nag exceed na ata tayo ng 30 mins, balik na tayo don te?" sabi nya after e check ang time sa phone nya.

"Ou nga eh, tara. Basta Je ha pag need mo ng kausap, a shoulder to cry on, anything, andito lang ako, ok?"

With her most beautiful and genuine smile, my heart also smiles...

You're my Home (Jema and Ella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon