The Fam

1.3K 41 0
                                    

Me: I'm sorry ate Regz, can't make it on Friday kasi may importanteng occasion akong aattendan. Maybe saturday or sunday?

Ate Regz: Yes Sunday is fine. So I'll see you then.

Me: Yeah see you.

Friday

"So love si mommy ay sobrang tahimik yan and medyo masungit kaya pag ganon hayaan mo na lang sya ha and si daddy naman masyadong seryoso kaya mahirap e-joke, saka kana lang magsalita pag kinakausap ka nya, ayaw kasi nya ng inuunahan syang magsalita. Si ate at kuya, kilala mo naman na sila kaya bahala kana ha" ang sabi ni Ella sa akin on our way to their house to attend her parents' anniversary. Nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya. Ang galing kasi nyang magpapawala ng kaba.

"Okay love, all noted. Wala bang medyo malala ng kaunti dyan? para kasing ang bilis lang kausapin and e-approach ang mommy at daddy mo" medyo sarcastic kong tanong.

"Huwag kang mag-alala love, wala namang nakaka worry don, ok?" pag-eencourage pa nya. Pag-eencourage nga ba? hindi ko alam kong manhid ba si Ella or deadma lang talaga. Hindi ba nya napapansin na kinakabahan ako at hindi nakakatulong ang mga sinabi nya. Hays bahala na nga.

De Jesus residence...

Pagpasok namin sa bahay nila Ella, napansin kong hindi naman masyadong maraming tao, siguro mga kapamilya at kamag-anak lang nila ang mga nandito.

"Love saglit lang ha dito ka muna, pupuntahan ko lang sila mom at dad"

"Love wait---" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, bigla na lang syang umalis at nagmamabilis pa.
Ano ba naman tong si Ella, iniwan ako bigla, kinakabahan na nga ako hays. Hindi ko pa naman kilala ang mga nandito, si ate Joyce at kuya Renz lang kasi ang kilala ko sa family nila.
Nakatayo lang ako at nakangiti sa mga tao sa loob habang hinihintay sya nang may lumapit sa akin at si ate Joyce at kuya Renz pala.

"Hi Jema, so glad to see you here" nakangiting sabi ni ate sabay yumakap at nag beso sa akin.

"Pasensya kana sa mabait naming bunso ha, iniwan kaba naman dito, tsk" ang sabi naman ni kuya.

"Maraming salamat po ate Joyce and kuya Renz sa pag welcome nyo sa akin. Okay lang naman po ako dito, babalikan naman po ako ni Ella" malumanay kong sabi at pasalamat.

"Nope halika dito Jema, sumama ka sa amin, nandon si Ella at ang parents ko" sabay hila sa akin ni ate at sumunod na lang din ako. Kinakabahan talaga pero nilalakasan ko na lang ang loob ko.

"Don't be nervous dahil nandito naman kami ni kuya kasama mo eh" pagpapalakas pa nya ng loob. Mabuti pa sila, si Ella ewan ko don kabaliktaran tas iniwan pa ako.

Pagpasok namin sa living room nila, nakita ko ang iba pa siguro nila etong kamag-anak basing on their looks na halos magkakamukha lang. Nakita ko ang parents nila ate sa may harapan but wala naman yong isa.

"Iniwan na nga ako tas wala pa rin dito pagpasok ko" medyo nakasimangot ako pero mabuti na lang talaga at nandito ang mga kapatid nya at hindi ako iniwan.

"Don't worry Je, nandyan lang sya lalabas din yon" pag-aasure naman ni kuya sa akin.

Habang nag uusap kami ay may biglang nagsalita and it was Ella.

"Good evening fam. I have to interrupt what you're doing because I want to render a song to my parents. But before that, I want to say, Happy anniversary mom and dad. You have the strongest foundation of a couple and your love for each other and to our family is beyond unconditional. Thank you so much for all your sacrifices and love and for raising us three beautiful and gorgeous children (tumawa naman lahat). I wish to have a kind of relationship as great as yours. I love you both so much of course ate and kuya. This song is for you.

You're my Home (Jema and Ella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon